^

PSN Showbiz

Babaeng aktres na may karelasyong lesbian exec, nagpapanggap na may bf

Ed de Leon - ISYU AT BANAT - Pilipino Star Ngayon

Hindi totoong girlfriend ng male star ang magandang female actress. Alam naman ng lahat na ang male star ay may “green blood.”

Pero nagpapanggap din ang magandang aktres na boyfriend niya iyon para maitago ang katotohanan na siya ay walang boyfriend, at ang karelasyon niya ngayon ay isang influential na tomboy. Noon pa naman ay kumakalat na ang kanyang relasyon sa lesbiyanang executive, kaya nga lang hindi naman napag-uusapan dahil ang kanyang lesbian lover ay mahusay namang makisama sa mga tao.

Pero siguro mas pala­gay nga ang loob ng aktres kung mayroon siyang dummy boyfriend.

KC parang pulitiko

Nagsimula na si KC Concepcion na magbenta ng mga alahas ng kanyang kumpanya at ang mapagbibilhan umano ng mga ready-made na alahas na siya rin ang nagdisenyo ay ipagkakaloob niyang lahat sa mga biktima ng malawakang baha sa Cagayan. Walang kamag-anak si KC sa Cagayan. Wala rin namang masasabing business interest niya roon. Pero nabaga­bag nga ang kalooban ng aktres nang makita niya kung ano ang nangyari sa buong lalawigan.

Nauna rito, may report na nagpunta at nagdala na rin ng tulong na relief goods si KC sa Cagayan kasama ang grupo ni Mayor Chavit Singson, at nakita nilang mas malaki pa ang kailangang tulong hanggang sa makabangon ang mga mamamayan doon kaya siguradong naisipan niyang ipagbili ang ilang alahas na ready-made para madagdagan pa niya ang personal na ayudang kanyang ibibigay sa mga taga-Cagayan.

Si KC ay isang ambassador din kasi ng World Food Program ng United Nations, at naging advocacy na nga niya ang tumulong lalo sa mga taong nagugutom, at iyan ang sitwasyon sa ngayon sa Cagayan. Sa pamamagitan ng mga channel ng World Food Program at mga kaibigan din niya ay personal na naipapaabot ni KC ang kanyang tulong sa Cagayan, kaya naman ang kanyang social media account ay inuulan ng pasasalamat.

Tama naman iyon sa aming palagay, dahil si KC ang masasabi mong tumutulong nang walang hinihintay na kapalit. Hindi siya pulitiko, at hindi kailanman humihingi ng boto kahit kanino. Hindi siya isang artistang gustong magpasikat. Siya ay isang tao lamang na gustong makatulong sa kapwa.

Ate Vi, nanawagan din ng tulong

Nanawagan din si Congresswoman Vilma Santos sa mga kaibigan niya, at maging sa mga kumpanyang ang mga produkto ay ineendorso niya, na maghanda na rin ng kanilang maibibigay sa mga biktima ng baha sa Caga­yan. Bagama’t may damage din naman ang Batangas, “suwerte kami at hindi masyado kaya makakatulong kami sa iba,” sabi ni Ate Vi.

“Importante ngayon lalo na ang gamot, dahil nalubog sila sa baha. Naroroon ang peligro ng leptospirosis, kaya kailangan nila ng prophylaxis para riyan. Ang ginagamit diyan ay iyong doxycycline, na napakamahal pala, pero may mga kaibigan nga tayong drug companies na nahihingan natin niyan, para maipamahagi sa mga health center natin at mga health worker. Kailangan din natin iyan ngayon sa Cagayan,” sabi ni Ate Vi.

“Kailangan kumilos tayo. Kailangan magtulung-tulong na muna ang lahat dahil kawawa naman ang ating mga kababayang biktima ng baha, lalo ngayon at malapit na ang Pasko,” sabi ni Ate Vi.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with