^

PSN Showbiz

Hunk model/actor, sumakay sa batya para magdala ng pagkain

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Hunk model/actor, sumakay sa batya para magdala ng pagkain
Aaron Concepcion
STAR/ File

Sa bigat na pinagdaraanan ng ating bansa dahil sa sunud-sunod na bagyo, nakakatulong din ang  social media lalo na ‘pag sinilip mo ang mga ipinu-post ng mga netizen sa kanilang Tiktok account.

Doon nakikita kung paano pagaanin ng mga Pinoy ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Nagagawa pa nilang mag-Tiktok sa gitna ng baha, may nag-‘It really hurts’ na mala-Mimiyuh kahit lagpas ng bewang ang tubig.

Nakakatuwa rin ‘yung idinaraan sa lubid ang timba na may lamang pagkain para maibahagi lang ito sa mga stranded sa kabilang bahay. At habang nasa lubid ang timba na may pagkain, nagtsi-cheer sila na makarating ang pagkain na hindi ito matapon.

Merong pagandahan ng katawan, with matching abs ang mga nagaguwapuhang binata na nagbabangka para maipahatid lang ang pagkain.

Eto ngang hunk model at baguhang aktor na si Aaron Concepcion ay nag-viral sa social media dahil kinatuwaan ang pagtulong niya sa mga binaha sa Cainta.

Kinunan siya ng isang tagaroon habang nagsasagwan sa batya at naka-topless. Sinuong ni Aaron ang baha para tulungan lang ang mga taong stranded na at pansamantalang tumuloy sa isang basketball court na kung saan doon  niya ipinark ang kanyang kotse.

Merong limang magkakapatid na nanginginig na sa sobrang lamig, sinuong niya ang mala-leeg na baha para kumuha ng damit at kumot sa bahay nila at dinala roon sa magkakapatid. Naghatid  din siya ng pagkain sa ilang pamilyang stranded doon sa basketball court.

Si Aaron ay dating Kuya Escort din sa It’s Showtime at lumalabas na rin siya sa ilang indie film.

Katatapos lang niya ng pelikulang Call Me Papi kasama sina Enzo Pineda at Royce Cabrera. At kaya daw siya sa Cainta nakatulog dahil galing lang daw siya sa shooting.

Samantala, ang buong akala natin ay tapos na ang hirap na pinagdaraanan ng mga kababayan natin dahil nakalabas na ang bagyong Ulysses.

Iyun pala mas matindi pa ang sa Cagayan Valley. Nung Biyernes ng gabi ay nakakatanggap kami ng malungkot na balitang may mga namatay na sa baha dahil sa hindi na sila na-rescue sa mabilis na pagtaas ng tubig gawa ng pag-apaw ng Magat Dam.

Kaya patuloy lang tayo sa pagdarasal na matapos na itong hirap na pinagdaanan natin. Nakikiusap na rin ang iba na sana ay tigilan na muna ang pagbatikos sa ating mga lider na tingin nila ay walang ginagawa.

Hanggang kahapon ay trending pa sa Twitter ang #CagayanNeedsHelp sumunod ang #OustDuterteNow at ang #LetLeniLead.

Ynna willing mag-ninang sa anak ni Mark

Makakapanayam sana namin si Ynna Asistio sa radio program namin sa DZRH nung Biyernes ng gabi pero plakda na raw sila sa sobrang pagod sa paglimas at paglilinis sa kanilang bahay.

Naiiyak pa rin si Nadia Montenegro kapag napapag-usapan itong masaklap na pinagdaanan nila. Pero nagpapasalamat pa rin sila dahil walang mas malala pang nangyari sa kanila.

Sa ngayon ay kailangan na raw nilang mag-move on, inaayos na ang bahay at thankful pa rin naman si Ynna dahil may trabaho siya at tila tuluy-tuloy na ito.

Alam niyang lahat ay nagagawa sa dasal.

Pagdating sa lovelife ay isang matamis na ngiti na lang ang sagot sa amin ni Ynna. Masaya ang puso niya ngayon, pero ayaw na niyang idetalye pa ang tungkol dito.

Masaya na rin siya sa dating nobyong si Mark Herras na magkakaroon uli ng bagong baby. Biniro nga siya kung sakaling kunin siyang ninang sa magi­ging baby nina Mark at Nicole Donesa, wala raw itong problema sa kanila.

Sa totoo lang, si Ynna ang isa sa mga dating girlfriends ni Mark na iniyakan niya nang nag-break dahil limang taon din ang kanilang relasyon noon.

Noontime show ng PTV, handa na

First week of December ay magsisimula na raw ang bagong noontime variety show na mapapanood sa PTV 4.

Na-finalize na nilang Good Laffternoon ang title tampok ang mga komed­yanteng sina Ate Gay, Boobsie, Iyah Mina, Ej Salamante kasama sina Ariel­la Arrida, Isabela de Leon, Teejay Marquez, Vin Abrenica, RJ Ledesma at David Chua.

Kailan lang namin nalaman na napapanood pala ang PTV 4 sa halos lahat na sulok ng bansa.

Sabi naman ni Arnold Vegafria na producer nitong Good Laffternoon, wala silang intensyong makipagbakbakan sa mga malalaking noontime show kagaya ng It’s Showtime, Lunch Out Loud at ang institusyon ng Eat Bulaga.

Basta light lang daw sila at pawang katatawanan. Gusto lang daw nilang patatawanin ang mga taumbayan na tinatawag nilang ‘Kalaffters’ habang nananghalian.

Dito rin sa Good Laffternoon ay gagawin ang Mr. World-Philippines, isang Quiz show at ang iba ay pawang patawa na lang.

HUNK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with