^

PSN Showbiz

Kikx may handogna after dark... Sa ika-10 sa music industry

Pilipino Star Ngayon
Kikx may handogna after dark... Sa ika-10 sa music industry
Sam Mangubat
STAR/ File

Naglabas ang songwriter-producer na si Kiko ‘KIKX’ Salazar ng bagong EP na pinamagatang After Dark ‘Final Hour, tampok ang apat na kanta na naglalahad ng kanyang puso bilang isang musikero para sa selebrasyon ng kanyang ika-10 anibersaryo sa industriya.

Kasama sa koleksyon ang Hindi Na Nga ni Sam Mangubat,  Sa Aking Mundo ni Lance Busa, TLC na kolaborasyon niya kasama si Kyla, at ang midnite remix ng Diyan Ba Sa Langit na inawit nina Morissette at Jason Dy, na aniya’y mga kanta na naiiba sa mga lumalabas na tunog ngayon.

“Kahit maikli ‘yung 10 taon, naging makabuluhang panahon ito para makilala ko nang paulit-ulit ‘yung industriya. Talagang kinailangan ko ng oras para i-consider ‘to na maging career ko,” ani KIKX, na inalala kung paanong ang takot at mga insecurity niya ay na-ging dahilan para pagdudahan niya ang kanyang sarili.

Pero ito rin ang nagturo sa kanya na hayaan ang sarili na mabigo at yakapin ang mga tao na laging nandyan para sa kanya. “Hindi naman pala ganun kadilim ‘yung journey, para pala siyang paglalakad sa gabi habang puno ng bituin ang langit.”

Dagdag ng magaling na composer, bawat kanta sa After Dark ‘Final Hour EP ay naglalayong ipaalala kung saan siya nagsimula at magbi-gay-pugay sa kanyang mga idolo sa musika gaya nina Mariah Carey, Babyface, Brian McKnight, at iba pa.

“Kasama ng mga napaka-talentadong artists at mga kaibigan ko, ito na ang unang parte ng mga naipon ko sa paglalakbay ko, sana samahan niyo pa ako sa journey ko,” sabi niya. “This is my music. This is my art. This is what kept me alive.”

Mapapakinggan na ang After Dark ‘Final Hour EP ni KIKX sa Spotify, Apple Music, iTunes, Deezer, Amazon Music, at iba pang digital music streaming services.

KANTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with