^

PSN Showbiz

ABS-CBN, mas todo sana ang live reports kay Rolly kung may prangkisa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Trending ang ABS-CBN last weekend dahil sa komprehensibong pagko-cover ng ABS-CBN News sa Super Typhoon Rolly, na feeling ko mas todo pa  kung nabigyan sila ng bagong prangkisa.

Bongga ang live reports nina Jorge Cariño from Real, Quezon, Raphael Bosano sa Baler, Aurora, Dennis Datu sa Calapan, Mindoro, at Jeck Batallones sa Mabini, Batangas, pero mas marami sigurong naipadalang reporters at naipalabas na mga ulat kung may prangkisa nga ang Dos.

Gamit kasi ng reporters ay mobile data lang, eh may bagyo kaya siguradong hindi stable ang signal niyan saka iba rin ang speed ng internet sa bawat lugar. Tuloy, limitado rin ang mga naipakitang sitwasyon sa mga news report nila sa TV.

Mahalaga pa naman sana ‘yun para malaman ng mga kamag-anak ng mga residente ang lagay ng mga pamilya nila na nakatira sa malalayong probinsya lalo na kung naputol o limitado ang komunikasyon nila.

Aba, mismong si dating Vice President Jejomar Binay nga, naglabas ng statement sa epekto ng pagkawala ng ABS-CBN sa ere nitong nanalanta ang Bagyong Rolly.

“Before the House of Representatives voted not to renew its franchise, the network was able to serve residents in remote areas through timely updates and alerts from authorities,” sey niya.

Sey naman nina dating COMELEC commissioner Goyo Larrazabal at dating Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 na si Tony Leachon, para bang napag-iwanan sa dilim ang mga nasa malalayong lugar ngayong may bagyo dahil sa nawalan ng prangkisa ng network. “You know what could have helped disseminate information about the incoming storm and how to get ready for it? @ABSCBNNews But they were denied a franchise... So now many people are in the dark,” tweet ni Larrazabal.

“We have a dearth of information coming from main media stations with the absence of a top broadcast station. We are missing the regional situationers of the development of the typhoon, hotlines for donations, and experts’ opinions. Overcommunication saves lives,” sabi naman ni Leachon sa Twitter.

At kabilang nga sa mga wala pa ring update sa kanyang pamilya ay si Barbie Imperial na ilang araw nang walang balita pati na rin sa ibang mga kamag-anak. “It’s been three days,” sabi niya sa online conference para sa latest BL project niyang Oh, Mando two days ago.

“Wala pa rin kami balita sa kanila. ‘Yung buong Virac, Catanduanes sobrang washed out talaga and mara­ming namatay so ‘yun ‘yung challenge for me, being away from family,” pag-amin ni Barbie.

Sa Albay at Catanduanes nakatira ang pamilya ni Barbie kaya aminado siyang feeling uneasy siya that day nang nagkaroon nga ng online conference.

Common knowledge na sa riles ng tren sa Bicol da­ting nakatira ang pamilya ni Barbie.

Ahhh kung siguro merong provincial network ang Kapamilya network baka hindi nagkaroon ng ganitong worries si Barbie.

Anyway, sinasabing mahigit P10 billion ang pinsala ng bagyong Rolly – infrastructure ang agriculture – sa buong Pilipinas na humagupit last weekend. More than 20 rin ang napabalitang nagbuwis ng buhay.

Hanggang ngayon rin ay wala pang kuryente ang maraming lugar sa Bicol.

Ito ay sa kabila pa rin ng pandemyang kinakaharap ng ating bayan.

Sana nga ay ‘wag na uling bumagyo nang ganun ka-grabe. Magpa-Pasko pa naman.

ABSCBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with