^

PSN Showbiz

Mga pelikulang nakakikilabot, tampok sa Kapuso

Pilipino Star Ngayon

Handog ng Kapuso Movie Festival  ngayong Linggo ang family comedy movie na Hotel Transylvania na kuwento ni Count Dracula, may-ari ng hotel para sa mga monster. Inanyayahan niya ang ilan sa mga pinakakilalang monsters sa buong mundo para ipagdiwang ang ika-118 kaa­rawan ng kanyang anak na babae na si Mavis. Nang hindi sinasadyang matisod ng isang binata na si Jonathan ang kanyang hotel, gagawin ni Count Dracula ang lahat upang hindi mahulog ang loob ng kanyang anak dito.

Mapapanood naman sa GMA Blockbusters ang horror film na Banal tampok sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Ang Banal ay kuwento ng limang magkakaibigan na umakyat ng isang misteryosong bundok na Awanggan para maghanap ng kakaibang adventure pero peligro ang kanilang kinaharap.

Subaybayan din ang Propeta sa Telesine Pre­sents. Nawalan ng malay si Fatima (Angelika Dela Cruz) nang may nakita siyang makinang na bagay habang nasa dagat. Natagpuan na lamang siya ng tatlong bata na nakahiga sa isang kahoy na krus sa may tabing-dagat. Nang magising siya, ikinuwento niya sa kanyang ina na may mala-anghel na boses na nakikipag-usap sa kanya at nagpakilala ito bilang si Hesus. Mula nang mangyari ang insidenteng iyon, lagi siyang nakikitang naglalakad nang wala sa sarili at idinedeklarang paparating na ang Panginoon.

Abangan ang lahat ng ito sa Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays, GMA Blockbusters pagkatapos ng Dear Uge Presents, at Telesine Pre­ sents pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.

DRACULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with