^

PSN Showbiz

Sumikat na aktor, mainitin pa rin ang ulo dahil sa pagiging insecure

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayong panahon ng pandemya na maraming taga-showbiz na bakante at nag­hahanap pa ng kanilang kabuhayan ay muling nagbabalikan ang mga kuwentong pinagbibidahan ng mga perso­nalidad.

Isang sikat na male personality ang kanilang pinagpistahan. ‘Yun ang panahong nangangarap pa lang siya, wala pang laman ang bulsa, kaya anuman at sinumang puwede niyang dikitan ay ginagawa niya.

Kuwento ng isang source, “Madalas siyang nagbababad lang nu’n sa bahay ng taong alam niyang makapagbibigay ng katuparan sa pangarap niyang sumikat.

“Kagigising pa lang niya, e, nandu’n na siya sa bahay nu’ng inaasahan niyang makapagbibigay ng himala sa career niya. Du’n ang tambayan niya, du’n na siya kumakain, halos du’n na nga siya nakatira,” unang sultada ng aming source.

Ang bahay na ‘yun ay tambayan din ng marami pang ibang nangangarap. Maraming nagpupuntahang kalalakihan du’n na umaasang baka may nakalaang oportunidad sa kanila.

Patuloy ng aming impormante, “E, may guwapo, matangkad at machong-machong nagpunta sa bahay. Natural, na-insecure siya dahil kulang nga naman siya sa katangkaran.

“Guwapo man siya, e, alam niyang mara­ming kulang na qualities sa kanya. Nagalit siya sa lalaki, hinamon niya ng suntukan, inapuntahan kasi siya ng insecurity.

“Mabuti na lang at may mga umawat sa kanya, namagitan ang ibang nandu’n na takang-taka, hindi naman kasi siya inaano nu’ng guwapo at matangkad na lalaking hinahamon niya ng away!

“Insecure siya dahil alam niyang maliit lang siya, pero pinakinggan ng langit ang hiling niya, sumikat nga ang male personality! Nagsimula siya sa minor roles, nagpakita pa nga siya ng maselang bahagi ng katawan niya du’n sa mga una niyang projects, di ba?

“Hanggang sa bumida na siya, sumikat, yumaman, marami nang babaeng nagkakagusto sa kanya! Mainitin ang ulo niya dahil sa insecurity. Mabilis siyang maapektuhan kapag may nakakakabog sa kanya.

“Kapag nawala ang ugali niyang ‘yun, e, perfect na sana siya. Kaso, hanggang du’n na lang talaga ang height niya, pero naman! Kahit ganu’n lang siya kaliit, e, pinatutumba niya ang di hamak na mas malalaki kesa sa kanya!

“Para siyang member ng Avengers na walang kamatayan, sa totoo lang, patuloy pa rin siyang makikipagsagupaan sa mga kalaban!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Clint, BB at Sandra, mga supot ang pasabog Angel, mas kumasa

Maraming nagpapakontrobersiyal na perso­nalidad ang nagbabanta ng pasabog, abangan daw ang malapit na nilang ibunyag, pero kadalasan naman ay supot ang kanilang pasasabugin.

Tatlong personalidad ang puwedeng pagbuhul-buhulin sa tangka nilang mga pasabog na yayanig daw sa mundo ng showbiz. Nagbantay ang publiko, nag-abang, pero supot naman pala ang kanilang pagpapasabog.

Una ay si Clint Bondad, ang dating karelasyon ni Miss Universe Catriona Gray, sa sobrang inggit nito kay Sam Milby ay meron daw itong pasasabuging malakas na bomba.

Pero nang magbanta nang magdedemanda ang beauty queen sa sinumang wawasak sa kanyang imahe ay biglang nagtago na sa palda ng kanyang nanay si Bondad.

Ang sumunod na nagtagumpay na sana sa una, pero biglang binitiwan ng publiko ay si Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari, nakaramdam kasi ang taumbayan na kung anu-anong kalokahan lang ang kanyang pinagsasasabi laban kay Piolo Pascual para tumaas ang kanyang views na kanyang pagkakakitaan.

At ang pinakahuli ay ang miyembro ng Lotlot & Friends sa katatapos lang na Miss Universe Philippines na si Miss Taguig, “Get your tea,” sabi pa ni Sandra Lemonon sa tagapamahalang beauty queen ng pageant na si Shamcey Supsup.

Pero anyare? Undas na ay wala naman pala itong pasasabugin, supot ang kanyang bala sa kanyon, kaya pinagtatawanan lang ng publiko ang kanyang mga banta.

Kabog na kabog sila ni Angel Locsin na nang sabihin niyang ilalabas niya ang mga ebidensiyang hindi miyembro ng makakaliwang grupo ang kanyang kapatid na si Ella ay nasupalpal ang mga unipormadong opisyal na nagpalutang ng kuwento.

Sa anumang larangang ipinaglalaban natin ay ebidensiya ang kailangan. Nakaw lang ang produkto mula sa merkado kapag walang resibo.

At huwag na huwag magbabanta kung wala na ngang armas ay kapos pa sa bala. Supot ‘yun.

Sa pagmumukha mismo nila sasabog ang kahihiyan.

CLINT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with