^

PSN Showbiz

Mga bagong pelikula ng ABS-CBN diretso na sa streaming

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga bagong pelikula ng ABS-CBN diretso na sa streaming
Olivia Lamasan
STAR/ File

Straight to digital, cable and satellite TV na ngayon ang mga pelikulang ginagawa ng ABS-CBN Films – sa iWantTFC, digital site na KTX.ph, SKYcable, at Cignal. “Kahit na very challenging ang pandemya, it pushed us to think out of the box. At habang sarado ang mga sinehan, inisip namin kung paano maaabot ang ating audience sa iba’t ibang paraan,” ani ABS-CBN Films ma­naging director na si Olivia Lamasan.

Aniya, maraming pagpipilian ang audience ngayon kung saan nila gustong manood at sa halagang Php 150, magkakaroon sila ng 48-hour access sa bagong pelikula hatid ng pipiliin nilang platform.

Tampok ang horror flick na U-Turn na pinagbibidahan nina JM de Guzman, Tony Labrusca, at Kim Chiu bilang unang proyekto nito, na opisyal nang ipapalabas ngayong Biyernes (Oktubre 30).

Ang ABS-CBN Films na binubuo ng Star Cinema, Cinema One Originals, at Black Sheep ay walang tumigil sa pagpoprodyus ng pelikula diretso cable, satellite TV, at streaming.

Bukod sa U-Turn, itatampok rin sa mga nabanggit na platform ang pelikulang My Lockdown Romance nina Joao Constancia at Jameson Blake, Boyette (Not A Girl, Yet)  na pagbibidahan ni Zaijian Jaranilla, Four Sisters Before the Wedding tampok sina Belle Mariano, Charlie Dizon, Gillian Vicencio, at Alexa Ilacad, Princess Dayareese na pangungunahan nina Maymay Entrata at Edward Barber, at Hello Stranger The Movie  kasama sina JC Alcantara at Tony Labrusca.

Ayon pa kay Direk Olive, nananatiling hopeful ang kompanya sa pagbubukas ng mga sinehan. “It’s just that for now, nandito tayo sa sirkumstanya na ito and we also need to find ways na ilapit at magkonek tayo sa ating mga audience. Lahat po kami ay nananalangin na magbukas ulit ang mga sinehan. Lahat po kami ay nakasuporta sa pagbubukas ng sinehan,” pagbabahagi niya.

Inilunsad din nila ang kauna-unahang digi movie series nito na The House Arrest Of Us  ngayong buwan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, available ang 13-episode program sa KTX at iWantTFC sa halagang Php 499.  Bago ito, may mga nai-produce na silang iba pang pelikula at concerts na rin.

OLIVIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with