^

PSN Showbiz

Juris nagbebenta ng mga tinapay, sitti chorizo ang online business

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juris nagbebenta ng mga tinapay, sitti chorizo ang online business
Juris
STAR/ File

Marami ang sumabak sa online selling mula nang magkaroon ng pandemya. Bukod sa nagsisilbing bonding time nila ng mga anak ay naging negosyo na rin ni Juris Fernandez ang baking. Nagbebenta ang singer ng cookies, soft bread rolls, banana chocolate loaf at chocolate loaf. “It’s something that I enjoy doing. ‘Yung husband ko in-encourage niya rin ako na go ahead, kasi hindi ako negosyante. I don’t know anything about it. ‘Yung husband ko marunong siya roon. So ‘yung part ng preparasyon, ako lahat ‘yon. nag-design ako ng logo ‘yung ‘Made by Juris’ tapos pinrint ko siya. Pati ang costing ako na, tapos research. Parang wow, kaya ko pala siyang gawin. Nakakatuwa na napo-produce mo siya at natutuwa ka na may napapasaya ka rin,” pagbabahagi ni Juris.

Para naman sa kaibigang si Sitti ay malaki rin ang naitutulong ng may iba kang pinagkakaabalahan upang malampasan ang krisis na kinakaharap natin ngayon. Sumabak din ang singer sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng kanyang Klim’s Chorizo. “Nag-start kami ng chorizo namin, bumili kami ng tatlong kilo. Hindi ko akalain na mabebenta namin ‘yon. So ngayon nasa 60 kilos of pork every week. Kapag na-realize ko ang journey namin from the small beginning na ngayon ay mayroon kaming matatawag na negosyo. Nakakakuha ako ng inspirasyon doon na hindi natitigil ng pandemic ang lahat ng creative processes or lahat ng creation na pwedeng magawa. Kahit sa paligid natin parang wala, pero mayroon ay mayroon tayong magagawa,” paglalahad ni Sitti.

Albert, surreal ang nararamdaman sa lock-in shoot

Magwawalong buwan nang ipinatutupad ang community quarantine sa bansa at ngayon lamang naranasan ni Albert Martinez ang muling pagtatrabaho. Kabilang ang aktor sa pelikulang The Housemaid na pagbibidahan ni Kylie Verzosa.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mararanasan ni Albert ang lock-in shooting. “I find it really, really surreal ‘yung pag-set up because of the preparation which is good because it will protect us and the rest of the crew. And then the actor lock-in is also good because you can be consistent with your character which I like a lot. Hindi ‘yung kamukha no’ng araw na after a day lilipat ng place. This time for 10 days magkakasama kami and this time hawak namin ‘yung character for ten days which is much better for me. Especially ‘yung ganitong type of project, it requires immersion. I’m happy with the set up,” pahayag ni Albert.

Aminado ang beteranong aktor na nakaramdam siya ng takot para sa industriyang ginagalawan dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Parang saan ba tayo gagalaw? Ang theater na-limit, ang taping halos wala, kung meron man lahat naka-lock in. So parang iniisip mo, anong gagawin ko after this? Kasi hindi alam kung anong magiging future. Kasi nakita mo naman sa ibang countries parang nag-shut down lahat, entertainment, concerts, events, lahat wala, so apektado kami. ‘Yung fear na ‘yon ang nakakatakot especially ito ‘yung passion mo. Ito na ‘yung kinalakihan mo and then all of a sudden nahinto,” paliwanag niya.

Malaki ang pasasalamat ni Albert dahil kahit paano ay unti-unti nang nagkakaroon ng mga proyekto ngayon ang production staff, crew at ang mga artistang katulad niya . “I’m so thankful na kahit pakonti-konti nakaka-recover na ‘yung industry. Wala tayong magagawa, ito na ‘yung given. Hopefully maka-recover na tayo fully and hopefully makabalik na tayo sa dating normal,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

JURIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with