^

PSN Showbiz

Busan Filmfest, laging dinadagsa ng mga sikat sa asya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Busan Filmfest, laging dinadagsa ng mga sikat sa asya

Malapit na ang Busan International Filmfest sa Korea  at biglang na-miss ko ang pag-attend natin Salve dun kasama si Isah Red three years ago.

Doon ko nakita ko ang paggalang ng mga delegate kay FDCP Chair Liza Diño. Talagang kilalang-kilala siya ng lahat at maganda ang seat na nakukuha ng Philippine delegates.

Nakakatawa, dahil tag-ulan yata ang panahon na iyon sa Korea kaya madalas ang ulan kaya basang-basa tayo habang hoping ako na makita at makilala ang mga kinababaliwan kong Korean actor na sina Jo In-Sung at Song Joong-Ki.

Grabe ang pagka-fan girl ko na tiniis ko ang ulan at puyat pero bigo ako dahil sa rami nang mga sikat na actor all over Asia, wala ang mga oppa na kinababaliwan ko.

Talagang napainom ako ng Soju ha at ang ending nag-pictorial na lang ako sa standee ni Jo In-Sung.

Naku down memory lane iyon dahil kasama natin si Isah at siya ang madalas nating i-harass dahil siya ang taga-dala ng mga bag ko na mabigat.

Hay naku, kundi lang pandemic, go ako sa Busan para mag-attend ng filmfest.

Kahit si Christopher de Leon nag-enjoy nang magpunta dun. Kaya buti na lang pandemic, nagbago isip ko, hah hah, hirap mag-biyahe ngayon noh!

Mga bagong show, hindi pa masyadong nagri-rate

Katuwa na busy body na naman ang showbiz, pero bakit ganun, parang hindi maka-take off ang ibang bagong shows?

Parang nabawasan ang ratio ng viewers na ewan kung saan abala ngayon eh hindi pa naman normal ang paligid. Wala naman nagmo-malling sa panahong ito kahit pa nga tambak ang sale at hindi pa rin naman maganda ang outcome ng mga bukas na establishment. Maaga ngang magsara ang ibang resto dahil wala naman tao na kumakain.

Ano ba ngayon ang kaagaw ng TV? Video games o meron pa bang ibang bagay na umaagaw ngayon sa interes ng karamihan. O baka naman nagsawa na sila sa marathonTV watching na ginawa habang quarantine?

Nakapagtataka na mababa ang viewership lately, na dati attributed sa shopping dahil sa mga Christmas sale, pero now, wala rin naman laman  mga malls, kaya nasaan sila ?

Comment ng iba, tamad na silang manood ng TV dahil sa mga streaming site at YouTube. Ganun. O baka naman dahil abala ang karamihan sa online scholing?

vuukle comment

FILMFEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with