Hello, love... national winner, Arjo best actor, ABS-CBN nanguna sa Asian Academy 2020
In all fairness, patuloy na ibinabandera ng ABS-CBN ang husay at talento ng Pilipino matapos magtala ng 14 na national winner sa prestihiyosong Asian Academy Creative Awards (AAAs) 2020 na siyang kakatawan sa Pilipinas at lalaban sa mga pambato ng ibang bansa sa Asya sa gaganaping awards night sa Disyembre.
(SUNDAN SA PAHINA 8) Nakamit sila ng pinakamaraming national awards na tinanggap ng Pilipinas kabilang ang Best Telenovela/Soap Opera para sa The Killer Bride at Best Drama Series para sa A Soldier’s Heart. Ang ika-14 na panalo ng ABS-CBN ay para sa Jake and Charice, isang produksyon kasama ang Documentary Japan Inc., na tinanghal na national winner para sa Best Documentary Programme sa Japan.
Tagumpay din ang iba pa nilang likha para sa iba-ibang plataporma sa media. Best Non-Scripted Entertainment ang orihinal nitong talent reality show na Your Moment, samantalang Best Lifestyle Program naman ang Dreamcatchers: Malapacao (Season 3).
Tinanghal ding national winner ng Best Feature Film ang Hello, Love, Goodbye ng ABS-CBN Film Productions Inc., na highest-grossing local film sa bansa. Wagi rin para sa Hello, Love, Goodbye si Cathy Garcia-Molina bilang Best Director (Fiction), habang national winner din siya sa kategoryang Best Original Screenplay kasama sina Carmi Raymundo at Rona Co para sa nasabing pelikula.
Sa digital naman, humamig ang iWant (na iWantTFC na ngayon) ng apat na panalo kabilang ang Best Original Program by an OTT para sa The Tapes, Best Documentary Series para sa The Last Manilaners, Best Animated Series (2D or 3D) para sa Jet and the Pet Rangers, at Best Actor para kay Arjo Atayde na bida sa iWant original series na Bagman.
Lalaban din sa mga kalahok mula sa ibang bansa ang Coke Studio (Season 3) ng UxS at ABS-CBN na pambato ng Pilipinas para sa Best Branded Programme or Series at Best Music or Dance Programme.
- Latest