Jinggoy, ipinasilip ang inihandang puntod ni Erap
Oww, may puntod na palang ipinagawa si dating Pangulong / Mayor Joseph “Erap” Ejercito Estrada sa Tanay, Rizal.
Pero ‘wag naman daw sanang mag-isip ang marami na hindi na ok si Erap.
Eh bakit nga ba may pinagawa nang puntod si Erap? Kelan pa kaya yun?
Alamin ang detalye sa bagong episode ng YouTube channel ni former senator Jinggoy Estrada na Jingflix.ph. Yes nasa YT na rin siya.
“Samahan n’yo po akong silipin ang puntod na ipinagawa ng aking ama at silipin natin ang Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives. Ito po ang first and exclusive museum tour na mapapanood n’yo lang po sa aking YouTube channel,” ani Jinggoy.
Laman ng museo ang makulay na buhay ni Erap simula sa kanyang pagiging artista. Kabilang umano rito ang mga movie poster, pelikula, at mga larawan kasama ang kanyang naging leading ladies.
Hindi rin daw mawawala ang mga memorabilia sa unang pagsabak ni Erap sa pulitika bilang Mayor ng San Juan na nagsimula ang pag-unlad at pagkakakilala ng lungsod. Naroon din ang kanyang mga landmark legislations nang maging Senador noong 1987 at Bise-presidente noong 1992.
Ang makasaysayang panunumpa ni Erap bilang Pangulo kasabay ng ika-100 taon ng pagdeklara ng kalayaan ay mababalikan din sa museo na mapapanood din sa nasabing YT ni Jinggoy na malamang by this time ay uploaded na.
Nandoon din daw ang mga larawan nang lisanin ng pamilya Estrada ang Malacan?ang. “Balikan natin ang mga masasaya at ilang mapait na alaala sa aking museum tour. Malaking bahagi po ng buhay ng aming pamilya ay bahagi ng kasaysayan ng ating bayan kaya naman gusto ko po na maibahagi ito sa inyo at sama-sama nating mapahalagahan ang ating kasaysayan,” dagdag pa ni Jinggoy.
Siguradong maraming manonood niyan.
Grateful... nakaka-one month agad
Wow, naka-one month na pala agad ang digital show na Grateful Tuesdays hosted by chemist Pinky Tobiano with Yeng Constantino.
Kaya naman binalikan nila ang mga nangyari sa loob ng tatlong linggo at kasama rito ang tatlong barangay na natulungan ng programa.
Nagbahagi rin ng pasasalamat ang tatlong nanalo ng laptop sa pa-contest ng programa ukol sa kanilang inspiring stories.
At sa pagpapatuloy ng Care and Share program sa pangunguna pa rin ni Chemist Pinky, sa ika-apat na linggo ay mga taga-Barangay Nagkaisang Nayon naman ang hahandugan nila ng tulong – mga frontliner, lolo’t lola at solo parent. At patuloy rin sila sa pamimigay ng P300 worth of load sa kanilang online viewers.
Nakasama rin sa selebrasyon ang Secretary ng Department of Agriculture, Dr. William Dar kung saan ibinahagi niya sa programa kung paano natutulungan ang mga Pilipinong magsasaka. Kasama rin ang founding farmer/President and CEO of AGREA na si Cherrie Atilano na may farm school at gumagabay ngayon sa mga magsasaka upang maging sustainable ang kanilang hanapbuhay.
Kaya naman buo ang suporta ni Yeng dito kasi vegetarian pala ang singer.
Nagkaroon din ng special performance ang teen heartthrob na si Kyle Echarri na bahagi pa rin ng one month celebration ng pamamahagi ng programa ng tulong. Kinanta niya ang kanyang latest single na I’m Serious na siya mismo ang nagsulat.
Bago matapos ang selebrasyon, may nabigyan na naman sila ng laptop dahil sa kanyang insipiring story ukol sa pagiging solo parent.
Bukod kay Yeng, kasama rin sa digital progam ni Pinky si Charm Aranton bilang si Charming Lakwatsadora na katulong niya sa pagbisita sa mga barangay.
Mapapanood ang Grateful Tuesdays tuwing Martes alas-7 hanggang alas-8 ng gabi sa CSTV Facebook Page, Chemist Pinky Tobiano FB Page, Cornerstone Entertainment Youtube Channel at CSTV Kumu account.
Sikat na singer / actress may offer na maging endorser ng columbarium
Tanggapin kaya ng isang sikat na singer / actress ang offer para maging endorser ng columbarium?
Sikat pa si singer / actress at in demand na endorser kaya yata siya ang naisip ng nasabing company na kunin sa kanilang negosyo.
At malaki raw ang offer na talent fee ha.
Makakatulong kaya sa image niya ang pagiging endorser ng columbarium?
- Latest