Carmina, hinimatay at nasuka sa swab test
Nakakaaliw ang pinost ni Carmina Villarroel sa kanyang YouTube channel sa ginawang swab test sa kanilang pamilya.
May bagong endorsement kasi ang Legaspi family at isa sa requirement ay ang magpa-swab test silang lahat.
Inamin ni Mina na natatakot siya sa swab test dahil first time niyang ma-experience ito. Hindi nga raw siya nakatulog sa kakaisip sa magiging swab test niya. “Guys, hindi po ako nakatulog kagabi kaya masakit ang ulo ko dahil kung talagang kakilala ninyo ako, isa po akong matatakutin at nerbyosa. Super!” sey pa ni Mina.
Naunang magpa-swab test ay ang kambal na sina Mavy at Cassy. Second time na silang ma-swab test kaya cool lang sila. Sumunod naman si Zoren Legaspi na sa kakabiro nito kay Mina ay mas ninerbyos siya.
Noong si Mina na ang isa-swab, ilang minuto ang lumipas bago ito naging ready. “Nahihimatay na ako at nasusuka na ako sa nerbiyos,” sey pa niya pero panay ang cheer nina Zoren at ng kambal na kaya niya.
Biro pa ni Zoren, “Injection nga na masakit kaya mo, eh swab test lang yan. Para ka lang nangula-ngot!”
Maraming netizens ang aliw na aliw sa reaction ni Mina sa kanyang swab test. Noong matapos na, laking luwag daw ng dibdib ni Mina.
KC natuwa sa nobel prize ng WFP
Natuwa si KC Concepcion dahil sa pagtanggap ng Nobel Peace Prize ng United Nations (UN) World Food Program (WFP).
Naging national ambassador for 12 years si KC ng UN World Food Program.
Post ni KC sa Instagram, “Thinking of the humanitarian organization I continue to admire–the agency that brought me to war-torn areas of Southern Philippines, got my feet and hands dirty at far-flung and disaster-stricken areas of my country, taught my heart to give to and support vulnerable communities around the world: from the Philippines to Africa, to Nepal... Meeting real-life heroes in our UN Headquarters in Rome and New York. To those who trained me to stay alert and ready to work in teams. I’ve seen the world through your guidance and education. I grew up with you and am sending you all my love, my @worldfoodprogramme family. Nobel Peace Prize 2020. Congratulations to all.”
The Nobel Peace Prize was recently awarded to WFP for its “efforts to combat hunger” and its “contribution to bettering conditions for peace in conflict-affected areas.”
Nagpadala naman ng congratulatory message si Gabby Concepcion sa kanyang anak na si KC dahil alam niya kung gaano naging dedicated si KC sa pagiging national ambassador nito.
Pinakasikat na atleta na si Cristiano Ronaldo, nagka-COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 ang world’s famous athlete na si Cristiano Ronaldo.
Ayon sa Portugal’s soccer federation, inalis na raw nila si Ronaldo sa training camp in Lisbon para hindi na ito makahawa ng ibang players. Hindi na siya makakasali pa sa Nations Cup game against Sweden. The team said Ronaldo was not displa-ying symptoms and was in isolation. “Following the positive case, the remaining players underwent new tests. All tested negative,” ayon sa federation.
Huling laro ng 35-year old soccer player ay noong Sunday laban sa France.
Si Cristiano Ronaldo ang most followed celebrity on Instagram with 196-million followers.
- Latest