Mga nanalo sa Aliwan Fiesta digital queen, namigay ng tulong
Ibinahagi kamakailan ni Jannarie Zarzoso, bagong hirang na Aliwan Fiesta Digital Queen 2020, ang katumbas ng halagang P50,000 na kanyang napanalunan sa Feed, Save, and Protect program ng Philippine National Police, sa harap ng punong-lungsod ng Cabadbaran, Agusan del Norte na si Mayor Judy Amante. Kapwa pulis ang mga magulang ni Zarzoso, isang 22 anyos, accounting technology graduate na sinuportahan ng lubos ng mga taga-CARAGA sa patimpalak ng Manila Broadcasting Company na ginanap online.
And kanyang first runner-up na si Jasmin Omay, tubong Tarlac at nag-aral maging piloto ay ibinigay naman ang P25,000 sa Kythe Foundation, na tumutulong mag-alaga sa mga batang may kanser. Si Alyssa May Nicholls naman ng Isulan, ay inihandog ang P15,000 sa wildlife preservation ng Sultan Kudarat na nasa ilalim ng tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources, sa pamumuno ni Datu Yahiya G. Sinenggayan, at sinaksihan ni Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran, Representante sa Kongreso para sa Unang Distrito ng lalawigan.
- Latest