^

PSN Showbiz

Blessed Carlo, popstar ang datingan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Blessed Carlo, popstar ang datingan
Carlo Acutis

Bongga naman ‘pag natuloy na maging Santo si Carlo Acutis, isang 15 years old na Italian na mahilig sa computer.

Cute na meron isang batang Santo ‘di bah pag nagkataon! Hindi pa siya lubos na santo, Blessed Carlo Acutis pa lang pero dineklara ni Pope Francis ang araw ng kamatayan niyang October 12 bilang Blessed Carlo day.

Namatay siya sa leukemia noong 2006, at kabilang sa dahilan kung bakit baka maging isa siyang Santo ay ang ginawa niyang pagpapalaganap ng mga himala, salita ng simbahan sa pamamagitan ng internet at pagtulong sa mga mahihirap.

Sobra sigurong madasalin at very religious si Carlo kaya narating niya at nakuha ang paghanga ng simbahang Katoliko.

Cute niya ha, lalo na sa popstar haircut niya at sure ako maraming teeners ang magkaka-crush sa kanya.

Talagang excited ako kung aabutan ko pa ang pagkakataon ng teener na one miracle away na lang ay santo na.

Kuwento ng Mindanao, kuhang-kuha sa pelikula

Tinamaan ako sa pelikulang Patikul na kuwento ng isang teacher na pinugutan ng ulo sa Jolo at ‘yung mga batang hirap na hirap mag-aral pati na ang mga teacher na sobra ang sakripisyo.

Siguro, kung ngayon nagkaroon ng teen­ager na Santo, iyon ang magbibigay ng katahimikan sa Mindanao ang magiging makabago nating bayani.

Sana mabigyan na ng katahimikan ang kaguluhan doon sa bayan ng mga kapatid nating Muslim. Sana hindi na ganun kahirap ang buhay doon, at ang mga bata sana ay huwag nang masali sa gulo.

Grabe pala ang sakripisyo ng mga teacher doon, at ang hirap pala para sa mga estu­dyante ang makapag-aral sa lugar na every now and then merong putukan ng baril.

Ano na lang ang nasa utak ng mga batang iyon na ganito ang karanasan nila, hirap sa buhay, takot sa paligid?

Habang lumalaki sila na nakikita ang karahasan at paghihirap, ano pa ang nabubuo sa utak nila?

Kailan kaya magkakaroon ng katahimikan sa parteng iyon ng Pilipinas, kelan pa magkakasundo ang magkakapatid na Muslim at Kristiyano?

Kung inabutan natin na magkaroon ng teenager na Santo, sana abutin din natin ang katahimikan ng Mindanao.

Magkaroon sana ng hero o bayani na magbibigay katuparan sa pangarap natin para sa Mindanao.

 Ipagpi-pray ko iyan kay Blessed Carlo, dahil mga bata ang mas affected, mga bata na ngayon pa lang scared na ang isipan at puso sa nakikitang paglalaban sa bayan nila.

Sila ang future ng Mindanao, pero sila rin ang mas apektado at baka lumaking combative at may galit sa tao at mundo dahil sa nakikita nilang karahasan.

CARLO ACUTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with