Ruffa, pinag-aaral ng martial arts si Lorin bago mag-aral sa Amerika
After almost seven months, finally, nagkita na rin kami ni Ruffa Gutierrez kahapon.
Actually, Ateng Salve, biglaan lang ang pagkikita namin dahil nagkataon na pareho kaming nasa Alabang. Over a cup of coffee ay marami kaming napagtsikahan ni Ruffa.
Naaliw ako nang ikuwento niya na takang-taka siya nang magpunta siya sa isang bank at nakilala kaagad siya. “Naka-mask at face shield naman ako, nagulat talaga ako nang hindi pa ako nagsasalita, sabi na kaagad ng teller, ‘Ma’am Ruffa, mag-open ka naman ng account dito!”
“Naku, Ruffa, sa tangkad at hitsura mo, kahit may mask at face shield ka, obvious na ikaw ‘yan!” sey ko naman at tawang-tawa siya.
Naikuwento rin niya na magkatsikahan sila ng kaibigan niyang si Karla Estrada nang mag-guest siya sa taping ng Magandang Buhay noong Tuesday.
Bibili nga raw siya ng pass para sa concert ng inaanak niyang si Daniel Padilla na kasama rin niya sa Star Cinema digital movie series na The House Arrest of Us.
Anyway, nanibago raw siya nang mag-guest nga sa Magandang Buhay dahil halos walang tao sa ABS-CBN. Iilan din lang daw sila sa studio. Pero mas mabilis daw ang taping ngayon which is the new normal na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Napunta naman sa anak niyang sina Lorin at Venice ang tsikahan namin. Naikuwento ni Ruffa na decided ang panganay niya na sa Amerika mag-aral ng college. Habang pinipigilan daw niya si Lorin ay mas nagde-decide ito na sa Los Angeles, California na nga mag-aral at tumira sa condo nila sa Beverly Hills. “I told Lorin, hindi puwedeng mag-isa lang siya. Sa first niya, pasasamahan ko talaga siya. Hindi niya kakayaning mag-isa lang.
“I told her din na kailangan mag-aral siya ng martial arts bago pa siya pumunta ng Amerika para puwede niyang karatehin kapag may nambastos sa kanya,” sabi ni Ruffa.
Pero honestly, parang hindi pa yata ready si Ruffa sa desisyon ni Lorin na sa Amerika mag-aral ng college ha!
Siyanga pala, babalik uli si Ruffa sa shooting ng The House Arrest of Us very soon and after that ay magla-lock in naman siya sa taping ng isang new TV series na bawal pa raw i-announce.
Jodi, matatanong na tungkol sa lovelife
Sa Monday ang presscon ng HealthyFix, ang health and beauty wellness dealership company na business partner si Jodi Sta. Maria.
Teka! Ok lang kayang matanong si Jodi ng updates tungkol sa sinasabing relasyon nila ni Raymart Santiago?
Tuluyan na kayang magkukuwento si Jodi ng mga detalye sa bago niyang pag-ibig?
Well, live via Facebook ng HealthyFix (facebook.com/myhealthyfixstore) ang presscon na ‘yon, kaya abangan na lang kung makakalusot doon ang any question about Jodi’s love life, huh!
Ikaw kaya, Ateng Salve, ang magtanong kay Jodi tungkol kay Raymart?
Hahaha... ‘yun na!
- Latest