^

PSN Showbiz

TV ad ni Bert tawa sa San Mig, nabuhay nung lockdown

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
TV ad ni Bert tawa sa San Mig, nabuhay nung lockdown
Bert Marcelo

Kapansin-pansin na noong lockdown ay maraming Pilipino ang nanood muli ng mga lumang San Miguel TV commercial ng namayapang iconic TV personality na si Bert “Tawa” Marcelo sa Youtube at marami ring nag-share nito sa Facebook.

At isa sa mga paborito at talagang binabalik-balikan ng mga netizen ay may tema na naniningil si Mang Bert kay Bruno na isang karate expert na kasalukuyang may ka-sparring na pinatumba nito nang datnan niya. Sa gulat ni Bert ay inaya na lang niya si Bruno at sinabing “Mag beer muna tayo” na may puntong Bulakenyo.

Bukod sa ang lakas maka-throwback, ang lakas talagang maka-good vibes at magpangiti.

Sayang at hindi na inabutan ng yumaong si Bert “Tawa” ang pagbabago ng kompanyang guma­gawa ng paborito niyang beer.

Ayon sa anak niyang si Gerard kung buhay lang sana ito tiyak na matutuwa kapag nalamang nakaalala ang San Miguel sa kanyang ama at magtatayo na nga ng paliparan sa Bulacan. Tubong Bulacan si Mang Bert na lagi niyang ipinagmamalaki. “He would have loved to meet Mr. Ramon Ang, the San Miguel visionary who led the diversification. He would have given him butong pakwan ni Mentong or a box of chicharon from Bulacan, his usual pasalubong to friends,” wika ng 47 taong gulang na si Gerard na isa sa apat ng anak ng komedyante na hindi na naengganyong pumasok sa showbusiness at may ibang karera na pinagkakaabalahan.

Kuwento pa ni Gerard ay malapit ang kanyang ama sa yumaong SMC chairman na si Eduardo Cojuangco Jr. “I remember, when Boss Danding wants to have a good laugh, he will call my father and tell him to deliver Boss Danding’s favorite joke.”

Pero hindi lang diumano sa mga bossing malapit si Mang Bert kundi sa lahat ng empleyado ng San Miguel at proud siyang naging brand ambassador nito mula 1971 hanggang sa kanyang pagkamatay noong 1995.

Idinaos ng San Miguel Corporation at sangay nitong San Miguel Brewery, Inc. ang kanilang ani­bersaryo noong Sept. 29 at Oct. 1 respectively.

“My father was close to San Miguel people from its truck drivers up to the Chairman. He can relate to them. He talks to everyone since he is easy-going and has a friendly nature. His jokes were snappy and non- lethal,” pagbabalik-alaala pa ni Gerard. “He lived that value of friendship over money. He would do San Miguel shows for a minimal fee like the Balikbanda shows and appear in their Baguio summer shows yearly in the 80s. He did shows for San Miguel executives and friends for free. He also lived the SMB value of ‘Iba ang may pinagsamahan,’ another San Miguel Beer tagline,” dagdag na kuwento niya.

Ngayon ay hindi na lang sa beer kilala ang kompanya na tumatak sa pangalan ng isang Bert Tawa dahil mas marami na itong negosyo na pinasok. “But my father would be happy that Ramon Ang is investing heavily in the country to help our kababayans by providing employment and impro­ving our country’s infrastructure. His big investments are helping the country’s economy,” sagot ni Gerard sa mga ginagawa ni Mr. Ang na aktibo na rin sa social media.

Hanggang ngayon, matibay pa rin diumano ang samahan ng kanyang ama at ng kompanya kaya tiyak na tawang-tawa raw ito sa langit na magkakaroon na ng airport sa Bulacan. Tubong Baliuag si Mang Bert tawa. “Yes, definitely he will be happy and proud with the development. My father was a proud Bulakenyo. As Jose Guevarra also said, ‘He was one of the two men that the province of Bulacan can be truly proud of. He placed Bulacan on the map. The other one is Blas Ople, the serious one,” banggit pa ni Gerard.

Imagine nga naman, oras na matapos ang nasabing airport, kaya nitong tumanggap ng hanggang 100 milyong pasahero kada taon at nakikitang gagawa ng 30 milyon na trabaho sa turismo maliban sa mahigit isang milyong hanapbuhay para sa mga residente ng Bulacan at karatig probinsya. At siyempre makakatulong din ito sa mga Overseas Filipino Workers na nawalan nga trabaho at napilitang bumalik sa bansa. “Central Luzon has the most number of OFWs too outside of NCR. With this development, his kababayan will benefit with the airport in the province. This will put Bulacan on the world map now with foreign tourists arriving in a world-class airport built by San Miguel Corporation in his hometown,” paliwanag pa ni Gerard.

BERT MARCELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with