^

PSN Showbiz

DJ Chacha pinaglaban ni Ted

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
DJ Chacha pinaglaban ni Ted
DJ Chacha

MANILA, Philippines — Ayaw nang patulan ni DJ Chacha ang mga nag-aakusang wala naman siyang isang salita at pasabi-sabi pa siya ng ‘Kapamilya forever’ ‘yun pala, sasama siya kay Ted Failon na lumipat ng Radyo 5. Wala na raw epekto sa kanya ang mga basher na hindi naman niya kilala dahil may pamilya siya na kailangang buhayin.

Aminado naman siyang matindi ang lungkot na naramdaman niya sa nangyari pero radio talaga ang buhay niya. “Radio is my first love, since radio ang in-offer sa akin, ipinagdasal ko rin talaga na kung may radio na io-offer at okey naman siyempre tatanggapin ko ‘yun.

“And then nang nagkaroon ng offer, parang nasiyahan ako kasi first love ko talaga ang radio. Kumbaga, sinabi ko nga kay Sir Ted, mawala na ang lahat, ‘wag lang ang radio,” kuwento ni DJ Chacha sa virtual media conference the other afternoon para sa programa nila ni Mr. Ted na mag-uumpisa na sa October 5, 6 to 10 a.m. sa Radyo 5, ang Ted Failon & DJ Chacha @ Radyo5.   

 “Pangalawa, narinig ko po kay sir Ted kanina na we all have to make a living, nagsara po ang MOR, nang magkaroon ng offer, malalim ang ginawa kong pag-iisip kung dapat tanggapin. Siyempre radio ‘yung in-offer sa iyo na gustung-gusto mo tapos kikita ka para sa pamilya mo, sino po naman ang hihindi sa magandang blessings and opportunity na iyon.

“It’s really a blessing to have a work lalo na ngayong pandemic po tayo. Marami po akong mga katrabaho, mga kasama kong DJs, most of them talaga wala pa ring trabaho hanggang sa panahong ito. Kaya malaking blessing ang in-offer sa amin ng TV5,” paliwanag pa ng FM radio DJ na hindi lang basta kasama ni Ted dahil nasa title rin ang pangalan niya na mismong si Ted ang na-insist na isama ito. 

Kaya naman ibang combination daw ang gagawin nila ni Ted sa programa.

 “Kaya super thankful ko kay Sir Ted kung hindi dahil sa kanya baka hindi rin naisip ng TV5 na isama ako,”  dagdag pa na kuwento ni DJ Chacha na nakilala na Baby Girl ni Ted sa Failon Ngayon sa DZMM na sa umpisa ay tagabasa lang ng greetings and comments pero later on ay nagbibigay na rin ng opinion sa current issues na pinag-uusapan sa dating pang-umagang programa sa DZMM. Sa MOR unang nakilala si Chacha.

Bukod sa mapapakinggan ang Ted Failon & DJ Chacha @ Radyo5 mapapanood rin sila sa TV5 & One PH. Ang unang dalawang oras ay sa Radyo 5 lang pero pagdating ng 8 to 10 ng umaga, mapapanood na sila sa TV.

Bukod sa maiinit na balita, may halong musika at inspirasyon ang kanilang programa ayon kay Manong Ted.

Nagsimula ang karera ni Failon ng dekada ‘90’s bilang isang television at radio broadcaster. Ilang beses rin itong pinarangalan ng mga gantimpala sa larangan ng broadcasting, isa na rito ang Ka Doroy Broadcaster of the Year ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.

Binanggit niya rin during the virtual presscon na kasama nga nila ni Chacha ang tatlong key staff nila sa DZMM.

Food trips ni Sandy Daza, nagpapagutom sa mga nanonood

Nakakaaliw panoorin ang programang Food Prints ni Sandy Daza sa Metro Channel kahit replay na lang ang karamihang episode.

Para talagang gusto mong sumama sa susunod niyang food tour sa Japan. Mahusay na chef si Mr. Sandy na anak ng dating sikat na chef na si Ms. Nora Daza na naalala kong nakikita ang pangalan sa mga cookbook.

Sa panonood mo pa lang ng mga pinuntahang restaurant sa Japan ng grupo ni Mr. Daza, magugutom ka na. Ang sasarap ng mga kinakain nila at parang ang saya ng grupo though parang majority sa mga sumasama sa tour niya ay retirees.

Mga tour nila ‘yun bago ang pandemic kaya talagang normal pa ang lahat. Wala kang kinatatakutang virus na puwede kang mahawa.

Lahat puwede mo pang hawakan at kainin na hindi mo kailangang maghugas ng kamay or mag-alcohol.

Actually, kahit ang mga food trip niya sa mga probinsiya natin ay makikita mo kung gaano kasarap kumain si Chef Daza at parang gusto mo na ring puntahan.

Ganundin ang programa niyang Casa Daza na nagtuturo namang magluto ng mga masasarap na ulam na parang ‘pag siya ang gumawa, madali lang. Pero ‘pag sinubukan mo, waley,

Anyway, ngayong panahon ng pandemic, ang paghahalaman at pagluluto ang pinagkakaabalahan ng maraming hindi na puwedeng gumala-gala sa labas dahil mataas pa rin ang takot na mahawa  ng coronavirus.

Imagine ang presidente ng Amerika na si Ronald Trumph at ang first lady, nagkaroon ng infection, what more ang mga ordinaryong tao.

Kahit sabihin pang hindi nagma-mask ang presidente ng Amerika, tight ang security niya, pero talagang walang nakakakita sa kalaban.

 

DJ CHACHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with