Carmi Martin umaming nagka-COVID sa sobrang stress
Ini-announce na ng Kapamilya channel ang digi-movie ng KathNiel love-team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The House Arrest of Us. At kasabay nito ay napabalita na ring ‘di pagkatuloy ni Carmi Martin sa nasabing projectdahil lumabas na positive siya sa COVID-19 pagkatapos nilang magpa-swab test.
Ikinuwento sa amin ni Carmi nang nakatsikahan namin sa
DZRH noong Martes ng gabi na sobrang stressful ang pinagdaanan niya nang nakumpirmang positive siya sa
COVID-19 pero asymptomatic naman.
Nagsimula raw ito nang mag-positive ang isang kasambahay niya at kailangan niya itong ihatid sa facility para ma-quarantine.
Naka-quarantine siya that time dahil nakatakda na sana siyang i-swab para sa gagawin niya sa KathNiel project. Pero hindi na raw niya mahintay ang barangay na susundo sa kasambahay niya, kaya napilitan siyang lumabas para ihatid ito. “In short, na-expose ako sa COVID positive,” pakli ni Carmi.
Tingin daw niya humina ang immune system niya dahil na rin sa stress dahil siya ang gumagawa ng lahat sa bahay dahil pinaalis na rin muna niya ang isa niyang kasambahay.
“I’m with my 4 dogs. My sister is a PWD, senior citizen. Ako lahat ang gumawa. And then kumuha ako ng stylist for the soap. Bumili pa ako ng buhok kasi bawal magdala ng stylist. Pinadala ko na ang mga damit ko.
“Because of the stress na pinagdaanan ko, the next day nagpa-swab nag-positive.
“Na-stress ako, tapos nag-lockdown, wala akong maid ganun ganun, nag-patung-patong,” bahagi ng mahabang kuwento ni Carmi.
Mabuti na lang daw at naisipan daw niyang i-submit ang sarili niya sa LGU ng Makati dahil wala na siyang mapupuntahan.
Hindi na raw siya in-allow na mag-stay sa hotel para mag-quarantine kung saan siya naka-stay bago mag-swab para sa soap, at hindi na rin siya puwedeng bumalik sa condo na tinutuluyan niya dahil naka-lockdown na rin. “Tinulungan ako ng LGU ng Makati. Buti na lang in God’s ano talaga…dinala ako dito sa facility ng Makati na ang pangalan ay Makati Friendship Suites facility.
“Alam mo naging heaven ang aking stay dun. Biruin mo 24 hours meron kang doktor. 24 hours meron kang nurse. 24 hours, meron kang Wifi, may pagkain ka, pagkatapos, three-bedroom ang aking kuwarto,” dagdag na kuwento ng aktres.
Kaya ang payo niya sa lahat, na huwag itago ang kalagayan kung naging positive a COVID-19 para hindi na makahawa ang ma-contain nga naman ang virus. “Kahit na asymptomatic ka, pumunta ka na sa facility.”
Noong Lunes ay nakauwi na raw siya sa bahay niya. Okay na rin ang kasambahay niya, at siya raw ay ipina-blood test na at doon daw niya nalamang mahina lang talaga ang kapit ng COVID-19 sa kanya.
Tingin niya blessing na rin daw ng Diyos na hindi siya natuloy sa project ng KathNiel at baka lalo pa raw lumala ang sakit niya.
Malaki ang pasasalamat niya dahil noong naka-quarantine siya ay nakakausap niya si Coney Reyes, at ang mga ka-Bible study niya.
Derek inimpluwensiyahan si Andrea na ‘wag munang magtrabaho
Habang abala ang taga-showbiz sa pagbabalik trabaho, at naglilipatan sa Viva Artists Agency ang ilang Kapamilya artists, nag-decide naman si Derek Ramsay na huwag munang magtrabaho hanggang sa matapos ang taong ito.
Okay daw muna na wala muna siyang gaga-wing projects, pero nakapag-shoot naman daw siya ng dalawang commercials, at okay daw dahil maingat ang lahat na nasa production sa pagsunod sa safety protocols and guidelines. Mas okay daw na mag-focus muna siya sa pamilya na nakaka-bonding niya araw-araw.
Regular routine na raw nila every Sunday na nagsasama-sama raw silang pamilya pati ang pamilya ni Andrea. “This year, patapos na rin, gamitin ko na lang ‘tong oras to my parents, to my family. Kapag naging busy ako hindi ko na rin sila makikita. You know, parang balance na rin,” pakli ni Derek.
Kahit nga raw ang pag-tape ni Andrea sa I Can See You ay pinayuhan niyang huwag na lang munang gawin, pero hanggang payo lang naman daw siya at ang Kapuso actress pa rin ang masusunod.
Nabanggit pa sa amin ni Derek na pagkatapos daw gawin ni Andrea ang I Can See You na kung saan limang araw silang naka-lock in sa location at kailangan niyang ma-self quarantine pagkatapos ng taping ay tinamaan daw ito ng depression. “Tinamaan siya ng depression. Parang na-stress siya nang sobra when she had to do the quarantine.
“She lives with her parents tapos hindi talaga siya lumalabas ng kuwarto.
“Parang tinamaan siya talaga dun. Sabi niya, hindi na nga muna ako magtrabaho. Mahirap,” patuloy na kuwento sa amin ni Derek nang nakatsikahan namin sa telepono noong nakaraang Martes.
- Latest