Julia kinasuhan si Jay Sonza sa ‘buntis’ post
MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kaso ng aktres na si Julia Barreto ang dating brodkaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa post sa Facebook post na sinasabing nabuntis ang aktres ng aktor na si Gerald Anderson.
Kasama ang kanyang ina na si Marjorie Barretto, nagtungo si Julia sa NBI Cybercrime Division at hiniling na imbestigahan ang akusasyon ni Sonza na tinawag niyang hindi totoo at iresponsable.
Sinabi pa niya na dapat malaman ng publiko ngayon na ang mga malisyosong post laban sa kanya ay hindi na niya pinalalagpas matapos ang napakaraming pinagdaanan na mga kontrobersya at paninira sa kanyang pangalan.
- Latest