Mariel, maraming sinakripisyo para sa pangarap
Wow naman sa Times Square ipinakita ang picture ni Mariel de Leon kahit sandali lang kaya proud na proud ang parents niyang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Nakapunta ka na sa Times Square, Salve, kaya alam mo na sentro ito ng New York kung saan halos libu-libong tao ang dumaraan. ‘Yung sandaling iyon, sure akong millions ang tao na nakakita sa photo ni Mariel kaya medyo tumindig ang balahibo niya nang makita at malaman niya.
Malaking sakripisyo ‘yung ginawa ni Mariel to reach her dreams, ‘yung mag-isang naroon at malayo sa mommy at daddy niya. Buti na lang at naroon ang kapatid na si Gabriel at nasa San Francisco naman si Miguel.
Matapang din si Mariel na sumabak sa lahat ng auditions para maging model sa New York na talagang cutthroat ang competition.
Masuwerte sa mga anak sina Christopher at Sandy, halos lahat ay independent minded at matapang na humarap sa hamon ng buhay. They really try to build their own mark, outside the shadow of their famous parents. Bongga.
Cheers for Mariel de Leon. Conquer the world. Raise the flag.
Cong. Niña, hindi nagbabago
Muntik na naman akong masali sa gulo.
At salamat kay Cong. Niña Taduran dahil napaka-helpful niya talaga. Hindi binago ng pagiging congresswoman niya ang pakikisama niya sa atin Salve na old friends niya.
May gustong kumuha na guest kay Raffy Tulfo, so tinanong ko muna bago ko kausapin sana si Ogie Diaz na siyang nagri-represent kay Raffy sa mga ganitong trabaho. Eh nakausap na pala nila si Ogie without telling me, so nahiya ako dahil para namang na-bypass ko si Ogie, at ginulo ko pa para magpatulong kay Cong. Niña Taduran.
The good thing, dahil dito pinadalhan ako ng tatlong bote ng laing, santol at bicol express na gawa ng anak ni Niña na sobrang sarap, kaya lang marami kang makakaing kanin.
Hay naku, nalimutan ko na diabetic ako, sa sarap ng mga bottled specialty niya na business ng anak ni Cong. Niña na nag-aral yata ng culinary arts.
Naku, napaka-talented ng family nila Cong. Niña na talagang hahangaan mo dahil hindi nagbago sa kabaitan at pakikisama sa atin.
Thank you, Cong. Niña Taduran, we will always be by your side in all your endeavours, promise. Stay safe and take care.
- Latest