^

PSN Showbiz

Maureen, nahiya sa ginawa nila ni Kit

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maureen, nahiya sa ginawa nila ni Kit
Kit at Maureen
STAR/ file

Ang mga sinehan na lang ang hinihintay na magbukas para mara­mdaman na talaga na nakakabalik na tayo sa dating normal.

Pero kahit magbukas ang mga sinehan, nasa new normal set up pa rin dahil limitado lang ang papapasukin.

Sa ibang bansa kasi kagaya ng Amerika na number one sa COVID cases, nakabalik na ang mga sinehan pero hindi puwedeng mapuno.

Naghihintay na lang ang mga producer na magbukas para tuluy-tuloy na ang paggawa nila ng pelikula.

Isa nga sa naudlot ang l­aunching movie ay ang Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz na natapos ang pelikulang Runaway na dinirek ni Katski Flores, produced ng Reality Entertainment.

Tsika sa amin ni Maureen sa DZRH, ilang sequen­ces na lang ang ida-dub niya, tapos na tapos na ito.

Napanood na nga raw niya ang kabuuan ng movie at medyo hindi pa raw siya sanay na pinapanood ang sarili na umaarte sa pelikula. Parang nahihiya pa raw siya.

Ang medyo nanghinayang lang si Maureen ay ang tambalan nila ng leading man niyang si Kit Thompson dahil hindi raw talaga sila nakapag-bonding nang husto dahil hindi naman talaga original choice ang hunk actor.

Ang unang napiling leading man dapat ni Maureen ay si Ruru Madrid pero hindi nagtugma ang schedule ng shooting sa New Zealand. “Feeling ko lang kasi super rush din yung timing with Kit. We did a lot of auditions and I was paired with other guys. Super last minute si Kit,” pakli ni Maureen.

Doon na lang sila nagkakilala nang husto sa shooting, at iba raw kasi talaga kapag nagkakilala nang mabuti, dahil isang love story ang pelikula nila.

“Minsan nagka-clash ang mga personality namin. So, minsan naga-argue kami, tapos the next minute we have to shoot agad and then we have to be like in love na naman,” paliwanag ni Maureen.

Pero happy na raw siya sa pelikula at ang wish niya na sana mapanood na ito sa wide screen.

Hindi raw niya alam kung balak ba ng Reality Films na ipalabas ito online.

Show ni Mareng Winnie ‘di na babalik?!

Simula ngayong araw ay babalik na ang mga newscast programs ng GMA News TV kasama na ang Balitanghali, Quick Response Team, State of the Nation with Jessica Soho at Stand for Truth.

Pero marami pang mga programa ng GNTV ang naka-hold pa, at replay lang ang napapanood. Pero ang latest na nasagap namin, mga bagong episodes na ang mapapanood sa iJuander ni Susan Enriquez at ang Brigada ni Kara David.

Pero may ilan ding tuluyan na raw na titigbakin.

Wala pa naman kaming nakuhang kumpirmas­yon, pero ang narinig lang namin ay baka hindi na raw ibabalik ang Newsmakers ni Mareng Winnie, at ang Bright Side ni Kara David. Meron na rin naman kasi siyang Brigada.

Pero sinisikap naman daw ng naturang network na maibalik na sa dati ang ibang programa.

Kahit nga sa mga drama series ng GMA 7 ay inuunti-unti na muna ang pagbabalik-taping.

Bandang end of this month ay matatapos na ang taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Marami na rin ang nangungulit kung kailan babalik ang Prima Donnas dahil ito nga ang nauna pang napabalita. Pero may narinig lang kaming medyo nahirapan sila sa mga minor, kaya kung matutuloy man ang taping nito, baka merong hindi mapapasama dahil sa edad.

Sa ngayon ay kasado na ang bagong drama anthology nilang I Can See You na magsisimula na sa September 28 na kung saan ang pilot episode nito ay ang Love on the Balcony nina Alden Richards at Jasmine Curtis.

vuukle comment

MAUREEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with