Asian at American artists, nagsama-sama sa Rise
May hatid na lakas sa pagbangon at pagharap sa bagong mundo ang Grammy Award-winning R&B artist na si Eric Bellinger, Filipino pop stars na sina Iñigo Pascual at Sam Concepcion, Manila-based producer na si Moophs, Malaysian singer-songwriter na si Zee Avi, at Black Swan composer na si Vince Nantes sa kanilang bigating song collaboration na pinamagatang Rise.
Nakatakda ang worldwide release ng awiting handog ng Tarsier Records ng ABS-CBN ngayong Biyernes (Setyembre 18).
“Life is really the main story that inspired writing Rise,” kwento ni Vince na sumulat ng bagong awitin, sa Zoom conference na ginanap kahapon.
“From the pandemic to protests, to political differences, to unfair treatment to one another as human beings, it’s a lot for all of us to digest, and I wanted to give people something they can enjoy, emotionally connect to, and believe in,” sabi ng US-based songwriter.
Ayon naman kay Moophs, ang Rise ang pinakamalaking release ng Tarsier Records na may layuning maghatid ng multi-cultural example ng pagkakaisa laban sa kahirapan. “This song is my answer to 2020. If we look past borders, politics, and skin color and resolve not to be divided, we can overcome anything this year throws at us.”
Inilarawan naman ng Bitter Heart singer na si Zee Avi ang awitin bilang puno ng pag-asa. Aniya, “Rise is such a simple word, yet it’s something that we need to keep reminding ourselves of.”
Samantala, ibinahagi naman ni Sam ang kanyang excitement sa pagkakataong magkakasama-sama ang artists galing sa Asia Pacific. Aniya, “Dream come true para sa akin ang proyektong ganito kalaki at kahalaga. Naniniwala ako na dahil sa mga mang-aawit na bahagi ng kanta at unifying message nito, maaari itong mapakinggan sa buong mundo.”
Dalawang music videos ang magtatampok sa kanta, isang animated video na ipapakita ang pinagsama-samang singers bilang superheroes na lalabanan ang ‘2020 monster’ at isang kwento ng sangkatauhan at mensahe ng pag-asa mula sa influencers na galing sa iba’t ibang panig ng mundo.
Bahagi ang Tarsier Records ng ABS-CBN Music na naglalayong ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at nagsisilbi ring gateway para sa international artists patungo sa Pilipinas.
- Latest