Mark, kailangang mag-focus na sa buhay
Happy ako na mukhang settled na si Mark Herras ngayon sa piling ni Nicole Donesa.
Ibinalita niya na magkakaroon na sila ng baby, at sana ito na ang maging hudyat para magkaroon siya ng focus at drive sa buhay.
Sana rin ay maging competitive na siya sa kanyang career at maipakita sa production na isa na siyang seryosong actor. Ngayon higit sa lahat ay kailangan niya ang dibdibang trabaho para sa isang bagong buhay na haharapin niya.
Malayo na ang narating ng ibang kasabayan niya, malayo na ang hahabulin niya para man lang makapantay sa narating ng iba, pero hindi pa huli.
Dahil iba na ang status niya, puwede na rin na mas mature ang maging acting niya at character sa mga bagong project. Ipadama at ipakita niya na bagong Mark Herras na siya, focus, mature and professional.
Wala siyang fallback na aasahan, showbiz lang ang puwede niyang maging trabaho, kaya dapat ay maging masuwerte siya sa second wind ng kanyang career.
Sana hindi siya ma-stuck, at manatiling star pa rin lalo na ngayong magiging father na siya. Hindi kasi siya nag-grow, he remained that way mula umpisa, growing older refusing to grow up.
Sana iba na ngayon, Mark Herras, ikaw na ang haligi ng pamilya na gusto mong i-build, dapat focus na focus ka.
Wish you luck, bagong daddy.
Bambbi Fuentes, nag-enjoy na sa food business
Nakakatuwa naman si Bambbi Fuentes, Salve. Isa sa hilig niya ang pagluluto, at I swear, masarap ang mga luto niya. Na-addict ako sa kimchi at sa pasta sauce niya.
Sa totoo lang, nang magkaroon ng lockdown at nagsara ang beauty parlors, at biglang naiba ang mga wedding at events, siyempre apektado ang salon ni Bambbi. Nagsara hanggang payagan ng IATF, so naisip ni Bambbi na pumasok na rin sa food business by selling kimchi, pasta sauce at cheese pimiento sa bote.
Now meron na siyang bago, ang natutunan naman niya sa pag-aaral niya kay Heny Sison, mga cookies at cheesecake na dagdag sa kanyang items na puwedeng i-order online, ang Baked with Love by Charisse.
Ang sarap ng mga cheesecake at cookies na ginagawa niya, pero I still love Bambbi kimchi.
Naku, baka ayaw nang mag-make up ni Bambbi Fuentes, mas gusto na niya ang pagluluto at pagbe-bake.
Mawawalan tayo ng mahusay na make-up ar-tist lalo pa nga at ayaw na niya ng magdamagang taping, kaya kung minsan hindi na niya masamahan si Marian Rivera.
Bongga ang iba’t ibang talents ni Bambbi Fuentes ha, kaya financially stable siya kasi nga, ang daming alam na gawin.
Sarap Bambbi, sa true lang, chewy at very great flavor.
- Latest