Bagong info-sharing app, gustong palakasin ang bayanihan
Bongga ang Sharea app na marami na ang nakadiskubre sa kasalukuyan.
Sa patuloy nga na pagharap ng mga Pilipino sa pandemya, kailangan siyempre ng lahat ang impormasyon para makapagdesisyon sa mga mahahalagang bagay sa kanilang buhay sa araw-araw.
At swak ang ang bagong public service app na ito na sasalansan sa mga datos at ilalapit din sila sa kanilang komunidad.
Mula sa pinagsamang salitang share at area, ang Sharea app ay nakapaghahatid ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga anunsyo ng gobyerno, bakanteng trabaho, at mga aktibidad na partikular sa pipiliing lugar o lokasyon ng gagamit nito.
Kaya naman ang makikitang impormasyon ng gagamit nito ay para mismo sa kanyang kinabibilangang barangay o lungsod.
Kaya magiging malaking tulong ito lalo na ngayong community quarantine pa rin para manatiling updated sa ganap sa komunidad maski hindi lumalabas ng bahay.
“Digital bayanihan” umano ang konsepto sa likod ng Sharea kung saan makatutulong sa lahat na makadiskarte at magdesisyon sa araw-araw sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, lalo na ngayong parami pa rin ang nagpa-positive sa coronavirus.
At ang bongga rito, pasok dito ang mga mahahalagang impormasyon sa bawat pamayanan na maaaring hindi na umabot sa balita tulad ng mga raket, water o power interruptions, listahan ng bayad centers, listahan ng clinics na nagbibigay ng bakuna, at marami pang iba sa mismong mga barangay o lungsod. Yes umabot sa ganung level.
At para makatulong palakasin at paglapitin ang mga komunidad sa bansa, mayroong tatlong pangunahing feature ang Sharea.
Sa Bulletin Board makikita ang mga impormasyon tungkol sa kalusugan, mga ganap, at iba pa. Pero hindi lamang makatatanggap ang gumagamit ng app ng impormasyon, maaari rin siyang magbahagi ng kanyang sariling nalalaman tulad ng mga magandang bilihan, nakitang aksidente, o anumang payo na makatutulong sa kanyang kapwa sa Community Wall. Puwede rin gamitin ang app para makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa.
Ayon sa natanungan ko, makasisiguro rin na totoo at lehitimo ang mga impormasyon dito dahil sinisigurado na mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng mga post kundi galing mismo sa mga opisyal na source para maiwasan ang pagkalat ng pekeng balita at impormasyon.
Sa ngayon, karamihan sa mga impormasyon sa Bulletin Board ng Sharea ay para sa maraming lungsod sa Metro Manila, ngunit nagsimula na rin daw bumuo ng komunidad ang maraming user sa kani-kanilang lugar. Sa pagrami ng mga gumagamit nito, umaasa ang Sharea na patatatagin pa ang kultura ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga Pilipino sa buong bansa.
Libre at pwedeng i-download ang Beta version ng Sharea sa Google Playstore sa https://play.google.com/store/apps/details?id=com.abscbn.kapp.
- Latest