^

PSN Showbiz

Bugoy, hindi naisipang gumawa ng masama nung 15 anyos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Bugoy, hindi naisipang gumawa ng masama nung 15 anyos

Sa totoo lang, naiinis na kami riyan sa hindi matapus-tapos na usapan tungkol kay Bugoy Cariño na na­ging tatay daw noong siya ay kinse anyos lang.

Eh ano nga ba ang pakialam ng kahit na sino kung nakabuntis man siya? Naapektuhan ba ang buhay ninyo?

Kung tutuusin, siya ang naapektuhan ang buhay dahil noong makabuntis siya, sinuspinde na siya ng ABS-CBN, siya ang nawalan ng trabaho.

Karapatan din naman ni Bugoy na itago ang kanyang pribadong buhay, kaya wala rin ta­yong pakialam kung sa loob ng ilang taon ay itinago niya ang kanyang anak at ngayon lang inamin noong maabot na niya ang legal age na 18.

Wala namang problema sa palagay namin. Hanggang ngayon nagkakasundo sila ng kanyang girlfriend, ang volleyball player na si EJ Laure.

Hindi pa naman sila nagpapakasal. Kahit na anong tingin ang gawin mo, wala silang nilabag na batas. Mas masama siguro kung nakaisip sila ng hindi magandang solusyon noong mabuntis si EJ.

At least si Bugoy, pinangatawanan niya ang pagiging tatay niya. Pinanindigan niya ang ginawa niya.

Hindi namin maintindihan kung bakit may mga taong gigil na gigil sa nangyari. Bakit ano ba ang mali sa ginawa ni Bugoy?

Sa kuwentuhan nga namin noong isang gabi, ang napagbuntunan ng biro ay ang Juvenile act ni Senador Kiko Pa­ngilinan. Tingnan mo nga naman, kinse anyos nakakabuntis na iyan, tapos hindi mo puwedeng kasuhan kung gagawa kahit na mabigat na krimen dahil sinasabi ng batas ni Pangilinan na sila ay “bata pa at walang malay.”

Hindi ba iyon ang nakakatawa kung may mga istoryang kagaya ng kay Bugoy? Dadaanin na lang natin talaga sa tawa, wala naman tayong magagawa dahil batas na iyan. Eh idaan mo na lang sa paglalakad sa white sand ng Manila Bay pagkatapos.

Isa pang nakakatawa.

Barbie, nanibago

Inamin ng aktres na si Barbie Forteza na naninibago siya nang magbalik siya sa taping ng kanilang television series.

Hindi naman nakakapagtaka dahil halos pitong buwan na nang huli niya iyong gawin. Kung noong araw napakadali para sa kanya ang umarte, dahil ginagawa niya halos every other day, tapos bigla ngang natigil ng pitong buwan, ano nga ba ang epekto noon sa iyo?

Mabuti nga si Barbie at medyo naninibago lang.

Marami ang sinasabi nilang nabuburyong sila   sa haba ng lockdown na dinadaanan natin. Hindi nga ba inaamin na rin nila na ang Pilipinas ang may pinakamahabang lockdown sa lahat ng bansa sa buong mundo?

Mga isasabit pa sa rebelasyon ni BB, inaabangan kung sinu-sino

Kahit na ano pa ang sabihin ng iba, hinihintay namin nga­yon ang pagbubulgar pa ni BB Gandang­hari sa mga naging love affair noong araw ng actor na si Rustom Padilla.

Tiyak, marami pang ibang masasabit sa kuwento, kung ikukuwento nga niyang lahat.

Sa ganitong panahon ng pandemya, nagiging relief ang ganyang mga kuwento, at least may napag-uusapan ang mga tao.

Hindi mo masasabing nanggagamit lang si BB na pati iyon iba na wala na halos career lately naging laman ng mga diyaryo dahil sa rebelasyon ni BB.

Lahat sila nakinabang. Kasabihan na nga “bad publicity is still publicity.”

Kailangan din naman ng mga artistang iyan publisidad. Kailangan silang mapag-usapan.

Iyong iba nga riyan hindi ba, kung sinu-sino ang inaaway kahit na sa internet lang para sila mapag-usapan, dahil alam nila na hindi na nga sila napapansin, na ibig sabihin ay laos na sila.

BUGOY CARIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with