^

PSN Showbiz

Bagong scan ng pelikulang Badjao noong 1957, ipalalabas uli

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong scan ng pelikulang Badjao noong 1957, ipalalabas uli
Badjao
STAR/ File

Wow, mapapanood ang bagong scanned version ng Pinoy classic na Badjao (The Sea Gypsies), na unang ipinalabas taong 1957, sa unang pagkakataon sa Res­tored Cinema block ng Cine­ma One ngayong Linggo (Set­yembre 6), 9 pm.

Hatid ng pelikulang pinagbibidahan nina Rosa Rosal at ng yumaong si Tony Santos Sr. ang kakaibang kwento ng pag-ibig na sumibol sa kalagitnaan ng hidwaan sa pagitan ng dalawang tribo.

Si Hassan (Tony) ay anak ng pinuno ng tribong Badjao na nahulog ang loob kay Bala-amai (Rosa), pamangkin naman ng pinuno ng mga Moro. Bagamat handa si Hassan na ipag­laban ang pagmamahalan nila ni Bala-amai, pipilitin naman ng mga Moro na sirain ang masayang pagsasama ng dalawa.

Nasungkit ng Badjao  ang Best Direction award para sa National Artist na si Lamberto Avellana, pati na rin ang pagkilala bilang Best Story, Best Editing, at Best Cinematography sa 1957 Southeast Asia Film Festival na ginanap sa Japan.

Ginawaran din ito ng International Prestige Award of Merit ng 1957 FAMAS Awards.

Anyway, isa ang Badjao sa proyektong sumailalim sa Sagip Pelikula ng ABS-CBN Film Restoration, na tumanggap ng iba’t ibang pagkilala sa pag-restore nito ng ilan sa Pinoy film classics ngunit ngayon ay isa sa mga serbisyong apektado matapos ma-deny ng Kongreso na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Kaya panoorin natin ang kwentong pag-ibig na ipinaglaban sa Badjao, sa Cinema One ngayong Linggo (Setyembre 6), 9 pm.

Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56.

vuukle comment

ROSA ROSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with