^

PSN Showbiz

Mala-pornong palabas sa streaming, i-a-align na ng MTRCB?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mala-pornong palabas sa streaming, i-a-align na ng MTRCB?!
MTRCB Chair Rachel Arenas

Parang maganda naman ang plano ng Movie and Tele­vision Review and Classification (MTRCB) na i-regulate na rin ang contents ng streaming services.

Grabe na ang mga ibang palabas, porno na talaga. Saka meron ding content na alam mong may negative impact sa isip ng manonood.

Maraming nakababad ngayon sa mga streaming site for months now dahil majority ay replay ang napapanood ngayon sa free TV at idagdag pa na hindi nag-o-operate ang ABS-CBN.

Pero pinalagan nga ng maraming netizens ang proposal ng MTRCB at maging ng ibang mga pulitiko.

Ang harsh ng mga comment nila.

“Netflix are media-on-demand platform and we have to regulate those platforms, we have to be sure that materials being shown on those platforms are in compliance with the MTRCB law,” naunang pahayag ni Atty. Jonathan Presquito, MTRCB legal affairs division chief, sa virtual public hearing the other day sa Senate committee on trade, commerce and entrepreneurship.

Dagdag ni MTRCB Chair Rachel Arenas sa DZBB interview : “It will be a post-monitoring. We’re not going to review all their materials before they show it. When we do monitoring and then their classification is not aligned with us, that’s the time we’re going to call on them.”

Pero bayolente agad ang reaction ng ibang subscribers dahil pakiramdam nga nila gusto agad silang tanggalan ng karapatan na mamili ng pano­noorin samantalang marami raw ibang problema ang bayan.

Actually tama naman dati pa ang statement ni Chair Rachel na kailangan lang i-align ang kanilang mga palabas sa ratings and classifications ng Pinoy viewers na wala namang masama at ginagawa sa ibang bansa.

 

RACHEL ARENAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with