^

PSN Showbiz

Jimmy Bondoc nagpaliwanag!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jimmy Bondoc nagpaliwanag!

Hindi iniisip ni Jimmy Bondoc, ang VP for Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR na gagawin pang intriga at political issue ang pagtanggi ni Paolo Santos sa pa-concert para kay Pres. Rodrigo Duterte nung nakaraang Linggo, August 30.

Binuo ni Jimmy ang online concert na pinamagatang Singing For the President kung saan naipon ang mga kilalang performers na nagpahayag ng patuloy nilang suporta kay Pres. Duterte.

Ilan sa mga kasaling nag-perform ay ang MYMP, Arnel Pineda, Cesar Montano, Arnell Ignacio, at marami pa.

Kasama sa poster na inilabas si Paolo Santos, pero may lumabas na balitang itinanggi ito ng singer.

Nilinaw ni Jimmy na walang political issue sa pagtanggi ni Paolo. Nagkaroon lang daw talaga ng miscommunication. “Sa buong pagkakaalam ko, hanggang ngayon ay sumusuporta pa si Paolo kay Pangulo and as a matter of fact ay in-appoint niya si Paolo sa MTRCB,” pakli ni Jimmy nang nakapanayam namin sa DZRH nung Martes ng gabi.

“Ang napakalinaw sa akin ay iyung pag-backout ni Paolo sa event na iyun ay hindi poltical statement. It was because of miscommunication somewhere in our system.

“Pero hindi political statement. I think si Paolo ang dapat tanungin, pero ako sa buong pagkakaalam ko walang nabago sa suporta ni Paolo sa Pangulo,” pahayag pa ni Jimmy.

Hindi rin daw political ang pa-online concert nila nung Linggo, kundi parang reunion na rin daw nilang mga supporter ng pangulo at nagpahayag lang daw sila ng kanilang pagkakaisa sa gitna ng mga problemang hinaharap ng bansa. “Walang political statement ang pa-concert na yun,” ulit ni Jimmy.

Ang sabi naman ng iba, pagpapahayag ng paninipsip lang daw iyun sa pangulo. “Siguro sa tagal na natin sa industriyang ito, parang iyun na yata ang pinakaluma at sinaunang reaksyon naman ng mga dissenters. I think it’s just normal and I understand. Ganun talaga eh. They have to say something kasi they are from another side,” pagkibit-balikat na lang ng singer at PAGCOR official.

“Alam ko napakaluma na yan. Pero iba eh. Iyung music talaga iba eh, kahit mga kalaban manonood. Kasi music is beauty.

“Kaya ko idinaan sa music para kahit paano iyung iba na parang galit sa pangulo makita nila ng konti iyung pagmamahal namin sa kanya is pure, it’s not political,” dagdag pa nito.

Boobay at Tekla, naka-PPE sa taping

Nag-taping na sa studio ng GMA 7 ang The Boobay and Tekla Show at

ipinost nga nilang naka-PPE at face shield ang dalawang hosts.

Masaya, at kuwela pa rin naman daw sina Boobay at Tekla, pero medyo nanibago lang daw sila dahil walang audience sa studio na kabatuhan din nila sa mga patawa.

Pero meron pa rin naman daw silang virtual audience na nanonood via zoom.

Kung sabagay, marami pa rin ang natutuwa sa TBATS kahit replay episodes lang napanood tuwing Linggo ng gabi kung saan        nung nakaraang Linggo, ay naka-8.3 percent ito.

Ipapalabas na ang fresh episode nito sa September 13.

JIMMY BONDOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with