^

PSN Showbiz

Ka Tunying at Gerry, may pinatunayan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pinatunayan ng magka-tandem sa radio na sina Anthony Taberna at Gerry Baja ang lakas nila sa listeners sa pag-uum­pisa ng programa nilang Dos Por Dos sa DZRH nu’ng nakaraang Lunes ng alas-singko hanggang 6:30 ng gabi.

Nagsunuran sa DZRH ang kanilang suppor­ters at talagang malakas sila pati sa netizens at advertisers.

Pati mga kaibigan nila sa ibang istasyon ay bumati sa kanila at naging joke na nila kapag napapatigil sila sandali dahil maingat sila sa pagbanggit na nasa DZRH sila. Minsan kasi muntik na nilang nababanggit na sa DZMM pa rin sila. “Muli po, ang pagpapasalamat ng Dos Por Dos sa umampon, kumupkop po sa amin dito sa pangasiwaan ng DZRH,” bahagi ng pahayag ni Gerry.

Bago natapos ang kanilang programa, madamdamin ang mensahe ng dalawa para sa mga dati nilang katrabaho sa ABS-CBN 2.

Nu’ng araw na iyon ay huling araw na rin ng mga nagtatrabaho sa nagsarang istasyon pagkatapos na mag-fold up ang ibang programa sa radyo at TV.

Sabi ni Gerry, “Bagama’t kami po ay naliligayahan, mga kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, e, ramdam din namin ang lungkot lalo na sa libu-libong mga kapamilya natin — mga dating em­pleyado ng ABS-CBN — na simula din po sa araw na ito, ay matitigil na rin ang kanilang trabaho.

“Ang amin pong panalangin para sa ating mga kapamilya, combachero, na sana’y malagpasan nila itong pagsubok na ito.”

Kasabay ng pagpaalam ng talents at em­ple­yado ng ABS-CBN 2 noong nakaraang Lunes, inilabas nila ang tribute video na in-upload nila sa YouTube at Facebook account ng ABS-CBN 2.

Pinamagatan nilang Tinig ng mga Nawalan na pinangunahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Miggs, napasabak agad sa halikan

Malapit nang matapos ang sikat na Pinoy BL Series na Gameboys na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Ang latest na narinig namin ay gagawin daw itong pelikula dahil maganda ang feedback at malakas sa netizens.

May mga bago pang  BL series na magsisimula, pero ang isa sa gusto kong pano­orin ay itong kuwento sa Unlocked series ni direk Adolf Alix na Neo and Omar na pinagbibidahan nina Miggs Cua­derno at ng anak ni Wendell Ramos na si Saviour Ramos.

Sobrang bagets pa si Miggs, 16 years old pa lang, pero napasabak na siya sa ganitong maselan na proyekto.

Sabi naman ni Miggs, binasa niya ang script at gusto niya ang role na gagampanan niya na isang pipi na na-fall sa kakisigan ni Saviour. Pero nag-react lang siya nang nabasa niya sa script na meron silang kissing scene.

“Nabasa ko po talaga sa script, nabasa ko po na may kissing scene, sinabi ko kay Mommy na ‘Mommy, may kissing scene ayoko. Hindi pa talaga ako ready. Kasi-16 ko pa lang po.

“In-explain naman po ni direk Adolf through Zoom call, saka napaka-professional naman po ni direk Adolf saka ni Kuya Saviour po sa pag-treat po ni direk Adolf po du’n sa eksena pong yun,” pahayag ni Miggs nang makausap namin sa DZRH.

Hindi na niya idinetalye kung paano nila ginawa ang eksenang iyon, na maganda raw ang kinalabasan.

Natuwa lang daw siya sa project na ito dahil may ilang eksena na mala-Nora Aunor daw ang atake niya. Mata lang daw ang ginamit sa pag-arte dahil hindi siya nakakapagsalita rito.

Mapapanood ito bukas, September 3 sa GagaOoLala streaming site.

GERRY BAJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with