^

PSN Showbiz

Andi, enjoy mabuntis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andi, enjoy mabuntis
Andi at mga anak
STAR/ File

Sinulat mo rin, Salve, na buntis na naman si Andi Eigenmann. Siguro nga Andi is happier to be a mother kesa sa career niya bilang artista.

Tatlo na ang magiging anak niya pag isinilang niya ang baby ngayon sa sinapupunan niya. Sa tahimik at away from the city na Siargao siya naka-base kasama ang asawa at mga anak.

Siguro nga ever since, ito ang buhay na gusto ni Andi, tahimik, malayo sa city at simple. And to think na sa personalidad ni Andi Eigenmann, hindi mo iisipin na mas liligaya siya sa ganitong simpleng buhay.

Happiness talaga in whatever form is your choice, kung saan ka maligaya, kung saan ang gusto mo at ano, iyon ang sundin mo.

Thumbs up, Andi. Great job.

Radio programs, patalbugan ng hosts

Bongga ang nangyayaring lipatan. Magandang move ‘yung kay Ted Failon sa paglipat sa TV5, sa TV at radio.

Sobrang lakas naman ng DZRH pag napunta na sa kanila si Noli de Castro. At hindi lang TV ang pinalalakas ngayon, pati radio shows panlaban lahat.

Dito mo nga makikita ang lakas ng influence ng radio sa masa dahil malalaking celebrities ang talagang maririnig mo na gustong lumipat.

Iba rin ang charm ng radio at kung hindi nga lang siguro likas ang katamaran ko baka nag-enjoy din ako, pero alam ko kasi na hindi ko kakayanin ang disiplina at ingat ng radio anchors, alam n’yo naman ang bibig ko na salita nang salita kaya madalas sumabit hah hah.

Ang sarap ngayong makinig sa radyo, talagang bongga lahat ng istasyon, may star.

Saka ang ganda ng combinations, Deo Macalma, Ka Tunying at Gerry Baja sa DZRH, Raffy Tulfo at Ted Failon sa TV5 at radio, Vic Lima, Alex Santos sa DWIZ, at kung saan lilipat si Noli de Castro, bongga ang kombinasyon talaga, eh nandiyan pa rin sina Arnold Clavio, Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel sa DZBB, ano pa ang hahanapin natin, radyo na TV pa,  bongga lahat ang commentators.

See yah all...

Siguro Salve, after a month na hindi tayo nagkita-kita nina Cristy Fermin at Mr. Fu, parang mga bata na naman tayo na walang katapusan ang chikahan. At siguro pati sina Japs Gersin at Tina Roa ay na-miss din tayo dahil solid one month na hindi tayo nagkita-kita.

Naku, naisip ko nga ang mga Obra Boys ni Cristy na sina Richie at PJ ay nami-miss din tayo, dahil siyempre naman may life ang Obra ni Nanay pag nandun tayo at nagkakagulo.

Kaya nga naiinis ako pag wala tayong show kahit na isang oras lang sa isang linggo, Tuesday 12:00 to 1:00 sa Facebook at Youtube  ng Pilipino Star NGAYON ang TIPMMG kasi nga nakaka-miss talaga ang bonding natin, na kung naririnig lang nila ang mga off the record behind the camera na kuwentuhan natin, wala na, nakakulong na tayong lahat, joke joke joke.

Hay naku, buti naman nag-decide si Salve na mag-show today, kahit paano, makakalabas na naman ng bahay para makita ang Obra ni Nanay at happy na naman ang tropa.

Hahaha. See you all sa Take It... Per Minute, Me Ganun!

ANDI EIGENMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with