Fit… ni Jessy, hindi kinaya ng mga nagpapagaling?!
Ay tsugi na pala ang programang Healing Galing ng TV5. Ito ang pinalitang programa ni Jessy Mediola, every Sunday, Fit For Life.
Pero may isang kakilala akong nagrereklamo
at naki-comment sa Facebook live streaming ng Radyo5 last week dahil nga raw sa pagkawala ng kanilang paboritong programa na umeere sa TV5 tuwing Linggo ng umaga, 7:00 a.m.-8:00 a.m.
Ayon sa loyal viewer na ayaw magpabanggit ng pangalan, limang taon na raw nilang sinusubaybayan ang public service program na hino-host ni Dr. Edinell Calvario na isang naturopathic doctor pala. Marami na raw sa kanila, lalo na sa mga nagkaka-edad na manonood na tulad niya, na nawala ang mga problema sa katawan dahil sa mga itinuturo ni Dr. Calvario na ang mga gamit na panlunas sa kanilang nararamdaman ay puro galing sa mga halaman.
Kaya nananawagan ang mga suki ng programang Healing Galing na huwag naman daw sana itong tsugiin ng tuluyan.
Sabi nga ni ateng, na nagpapatulong iparating sa management ng 5 na hindi naman daw nila kayang gawin ang mga pag-e-exercise ni Jessy.
Hindi raw ‘yun pang-senior citizen na tulad niya. Pambagets daw ang ganung programa.
Ang apela nila, sana naman daw pagkatapos na lang ng Healing Galing ipalabas ang Fit For Life ni Jessy.
Anyway, may tinanungan naman ako kung totoo ba ito at sinabi nga raw ng supervising producer ng programa na si Nestor Tan na ang kasalukuyang kontrata nila sa TV5 ay hanggang December 31, 2020 pa. Wala rin diumano silang natanggap na notice na mawawala ang kanilang programa o anumang pasabi kung ito ay ililipat ng ibang oras kung saan meron daw 11 episode na natapos ang programa.
So aware kaya si Jessy dito or ang TV5 management?
Nang-i-google ko ang name ni Dr. Calvario, president pala ito ng Women Inventor’s Association of the Philippines, Inc. (WIAPI) at nakikipagtulungan ang kanyang grupo sa mga local government unit para sa holistic approach sa pagbibigay lunas sa COVID 19.
Anyway, may tinanungin din ako sa TV5 tungkol dito pero habang tinatapos namin itong sulatin ay wala pa siyang sagot.
- Latest