^

PSN Showbiz

Female performer nakapasok sa pulitika nang patulan ang mayamang negosyante

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang isang matagal nang kuwento tungkol sa isang female performer. Popular siya, marami siyang pinasikat na piyesa, hindi na mabubura ang kanyang pangalan sa mundo ng musika.

Mabenta siya sa mga shows sa ibang bansa, nang umalis kasi ang ating mga kababayan dito ay kasagsagan ng kasikatan ng kanyang mga kanta, kaya nagkaedad man ang female singer ay siya pa rin ang kinukuha ng mga show producers.

May kuwento kung paano niya nakarelasyon ang isang Pinoy businessman na nagtagumpay sa bansang kumuha sa kanya para magtanghal.

Simula ng aming source, “Main sponsor sa concert niya ang successful business nu’ng kababayan natin. May edad na ang guy, hindi kaguwapuhan, pero naman!

“Super-yaman siya, kilalang-kilala siya ng mga Pinoy sa lugar na ‘yun, dahil bukod sa matulungin na siya sa mga kababayan nating nangangailangan, e, mabait pa ‘yung guy, very humble.

“Nu’ng ipakilala siya sa female singer, e, kaswalan lang. Hi-hello lang ang girl sa businessman. Parang wala lang, parang isang fan lang ang lumapit sa kanya para makipagkamay.

“Kaso, nu’ng tapos na ang show niya, e, maraming kuwentong narinig ang female singer. Super-yaman kuno ang guy, palaging tumutulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Madaling-madali raw lapitan.

“Meron pang nakapagsabi sa kanya na binata raw ‘yung businessman, nakatira nga siya sa mansiyon pero parang malungkot naman siya dahil mag-isa lang siya du’n at walang pamilya.

“Bongga ang mga narinig niyang kuwento, lalo na ang sinabi ng isang kababayan natin sa kanya, ‘His house has an elevator. Can you imagine kung gaano kalaki at kabongga ang mansion niya?’

“Biglang humanga ang female singer sa businessman, nagkaroon siya ng interest na makilala ang guy!” manghang-manghang kuwento ng aming source.

At naganap ang gustong mangyari ng female performer, nakipagpalitan siya ng phone number sa kababayan nating negosyante, hanggang sa maging magkarelasyon na nga sila.

Sabi uli ng aming impormante, “Naging sila. Kasi pala, nu’ng mga panahong ‘yun, e, may matinding pangangailangan ang girl sa papasukan niyang bagong mundo.

“Pumasok siya sa pulitika, di ba? ‘Yun lang!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Pauleen parang si Sharon

Saktan mo na ang magulang, huwag lang ang anak, dahil siguradong magkakaroon ng giyera mundial. Bakit ba umaabot sa sukdulan ang pasensiya ni Sharon Cuneta?

Kinakaya ng Megastar ang lahat ng mga upak at pintas, pero huwag na huwag pakikialaman ang kanyang mga anak, dahil siguradong magmimis­tulang kapapanganak na tigre sa katapangan ang aktres.

Ganu’n din ang pinagdadaanan ngayon ni Pauleen Luna-Sotto. Ang walang kamuwang-muwang na anak nila ni Bossing Vic na si Talitha, buong-ningning na sinabihang pangit ng isang bastos na basher, nanugat ‘yun ng puso ng dakilang ina.

Menor de edad si Tali, malaking krimen ang saktan ang isang batang hindi makakayang ipagtanggol ang kanyang sarili, kaya maraming nagpapayo kay Poleng na sampahan ng kaso ang bastos na basher.

Nang makatunog ito na idedemanda at nang pupugin na ito ng mga tagasuporta ng mag-asawang Vic at Pauleen ay parang maamong tupang humingi ng dispensa ang basher.

Pero nakapanakit na ito, pinadugo na ng basher ang puso ng mga magulang ng batang pinintasan nito ang pisikal na itsura, ano pa ang magiging saysay ng kanyang pagsosori?

Ang bawat bata, anuman ang itsura, ay pinakamaganda sa paningin ng kanyang mga magulang. Walang makakukuwestiyon du’n, walang puwedeng kumontra, dahil mula sa sinapupunan ng ina ang batang pinipintasan.

At hindi pangit si Tali, sa mga retratong inilalabas ni Poleng ay napaka-cute ng bata, hinati ang kanyang itsura sa kanyang mga magulang.

Ang mga nakakausap naming mga magulang na ngayon ay nagpapahatid ng kanilang suporta kay Poleng. Kasabay nu’n ang pagpapayo na dapat talaga niyang kasuhan ng cyber bullying ang bastos na basher para matuto ng leksiyon.

Masyado na nga namang nagagamit ng mga taong walang magawa sa buhay ang social media. Sa halip na mapadali ang komunikasyon sa pamamagitan ng teknolohiya ay ginagamit ‘yun ng iba sa kabastusan.

PERFORMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with