^

PSN Showbiz

Mga tumutulong, nawawalan ng class ‘pag ipinangangalandakan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sa lagay ng bayan natin ngayon dapat talagang tulung-tulong na ang lahat para makabangon tayo.

Hindi na kailangan na ang bawat gawin ng isa ay dapat pang ibalita sa lahat at ilagay sa news.

‘Yung tulong ay dapat nasa puso lang, bukas para sa lahat, bahala na ang nasa Itaas para mabayaran ‘yung mga tumutulong.

‘Yung makita mo ang ligaya sa mukha ng nabigyan ng tulong, ‘yung ngiti ng pag-asa, sapat na siguro iyon para habang buhay mong dadalhin ‘yung happiness na nakita mo.

Mas maganda talaga ‘yung tumutulong nang hindi nagsasalita, hindi nagbabanggit, basta tumutulong lang.

‘Yung magandang gawa ay hindi iyon naitatago, tiyak na pag-uusapan dahil tiyak na may taong magpaparating ng pasasalamat.

Imposibleng hindi kumalat at mas maganda na iyon, galing mismo sa bibig ng natulungan at hindi isinulat lang ng mga taong pinagsabihan mo.

Sabi ko nga, charity is an act of class, hindi papansin, talagang napapansin. Class nga eh.

TIPMMG, mahigpit sa health protocols

Tuwang-tuwa ako nang biruin ko si Mr. Fu na ayaw ko nang mag-Take It Per Minute Me Ganun, Salve.

Sabi ko ayaw ko nang programa na depende ang buhay sa mga GCQ, ECQ, MECQ, o kahit BBQ.

‘Kaloka na kung ano ang lagay ng condition ng health protocols, iyon din ang posisyon ng TIPM Me Ganun ‘di bah?

Buwis-buhay na nga ang pagpunta sa Obra ni Nanay Gallery every Tuesday, wala pa ring security kung meron o wala dahil depende nga sa pag-a- announce ng anumang maisip na merong Q, hah hah.

Tawang-tawa ako na pinaghahandaang mabuti ni Mr. Fu ang every Tuesday ng buhay niya dahil lang sa ‘napakalaking’ tinatanggap niyang TF, hah hah.

Kung hindi lang talagang nakaka-miss sina Japs Gersin at Tina Roa, kasali pa si Richie at PJ baka talagang ayaw ko na, kasi nga nakakawala ng momentum, ‘yung biglaang meron, tapos biglang mawawala, kainis ‘di bah?

‘Yung followers ng programa ay nalilito na rin, hindi malaman kung meron ba this week o wala.

Naku, kailangang malaman nating mabuti ang lagay ng TIPM Me Ganun noh, para know natin sagot sa maraming tanong, ano, Salve? Ano ang sagot? (Pagaling ka munang mabuti Nay bago uli tayo mag-show. Hihihi. - Salve)

Ube pandesal pinakapatok

Isa sa naging favorite ko ngayon ‘yung ube pandesal ng Winot’s Oven.

Alam mo ba na high school classmate ni Apple si Winot na nang mag-asawa ay nag-business ng pastries at isa sa bestsellers ay ang ube pandesal niya.

Tuwang-tuwa naman si Apple na ang classmate niya ay merong isang small business na tulad ng pastry shop dahil nga foodie si Apple. Siya ang unang marketing lady ng pro­ducts ni Winot.

Dapat matikman ninyo ang Ube pandesal ni Winot, promise um-order kayo sa messenger niya, Winot pastry, masarap talaga siya.

HELP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with