Luchi, certified K-drama fanatic din
Super K drama fan pala si Ms. Luchi Cruz Valdez.
At ang favorite Korean actor niya, si Park Seo-joon.
Ang cute ni Ms. Luchi nang nabanggit ang pagiging K fanatic niya kay Ms. Karen Davila sa first episode ng programa niyang Usapang Real Life sa TV5 na sa bahay niya ang taping.
May halong kilig din nang ipakita si Park Seo-joon na ang huling K-drama ay Itaewoon Class.
Si Ms. Karen ang first guest ni Ms. Luchi sa kanyang programa na real na real nga ang chikahan dahil maraming nabanggit doon na ngayon ko lang din nalaman. Like meron pala siyang voice disorder matapos siyang makipaglaban sa sakit na lupus.
Aside from Karen, naging guest din niya si KC Concepcion na this year pala sana planong mag-comeback after three years of showbiz break. Pero nagkaroon nga ng pandemic.
In all fairness, may commercial na rin ang URL ni Ms. Luchi though hindi pa marami pero baka nga sa mga susunod na episode ay madagdagan na ito dahil umaapaw talaga ang commercial ng GMA shows matapos mawalan ng franchise ang ABS-CBN.
After Karen, si Ms. Korina Sanchez ang susunod na mapapanood sa URL.
Anyway, last Saturday night nag-start ang ibang bagong shows ng TV5 kabilang na ang Fill In the Bank (Jose Manalo and Pokwang), Bawal Na Game Show (Paolo Ballesteros and Wally Bayola), Bangon Talentadong Pinoy (Ryan Agocillo) at ito ngang URL.
Kahapon naman ng umaga, 7:00 a.m. ang first episode ng Fit for Life hosted by Jessy Mendiola na kasama sa mga nag-promote ay si Luis Manzano.
Today naman naka-schedule mag-umpisa ang Chika BesH! nina Pauleen Luna, Pokwang and Ria Atayde.
Sa post ni Ria yesterday tinuturing niyang new adventure ang programa : “Tomorrow, I’m off to a new adventure. I am so grateful I was given this opportunity and I can’t wait to learn more and explore. Join us tomorrow morning at 10 a.m. on TV5, 11 a.m. on Colors here’s to trying out new things, shining your light on others and finding things out about yourself along the way.”
Si Janella Salvador ang unang choice sa Chika BesH! pero nabanggit nga ng source na nagsuplada diumano ito sa isa sa mga bossing ng TV5 nang minsang tawagan siya kaya hindi natuloy at napunta kay Ria.
Congrats Ria.
Tf ng celeb sa endorsement, malaki ang tapyas
Speaking of commercials, nauna na ngang naikuwento ng isang advertising person na maraming nawalan ng accounts sa pagpapasara sa ABS-CBN at talagang malaki raw ang effect nito sa kanila kaya naghahanap sila ng other platform. That time ay hindi pa maingay ang new shows ng TV5 kaya inasahan na talaga ang malaking advertising loads ng GMA.
Hindi pa ako binabalikan ng friend ko kung may increase ang GMA sa advertising rate since wala silang kalaban for more than three months now at ngayon pa lang nagsisimula ang TV5.
Pero ang isang sigurado ng friend ko nang huli kong makausap, marami raw talaga ngayong mga celebrity ang naghahanap ng raket.
At ang isang sure niya pa, malaki ang tapyas sa talent fee ng maraming celebrity endorsers dahil maraming option dahil nga sa kawalan ng trabaho ng marami hindi lang dahil sa pandemic at ABS-CBN closure kundi dahil nagtitipid na rin ang maraming kumpanya sa kasalukuyan.
- Latest