^

PSN Showbiz

Donita Nose nakakaranas ng diskriminasyon sa mga kapit-bahay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Donita Nose nakakaranas ng diskriminasyon sa mga kapit-bahay
Donita Nose

Punung-puno ng energy ang boses ng komedyanteng si Donita Nose nang nakapanayam namin sa DzRH nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Mahigit dalawang linggo rin daw siyang na-confine sa St. Luke’s Global, at paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa pag-asikaso sa kanya ng mga doktor at nurses ng naturang hospital.

Pero naniniwala si Donita na malaking bagay daw ang malakas niyang fighting spirit na hinarap ang COVID-19.

Mula nang ipinasok daw siya sa hospital, talagang nasa isip daw niyang kakayanin niya ito at hindi siya aabot sa ma-oxygen at intubation. Ayaw daw niyang ipasok sa isip niyang iyun na ang katapusan niya. “Never ko naman talaga siyang tinanggap at hindi ko talaga ipinasok sa utak ko na katapusan ko na to.

“Alam ko sa sarili ko na gagaling ako eh. Iyung tipong kahit mataas ang lagnat ko, lagnat lang ‘yan mawawala rin yan.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ako mag-oxygen kasi alam ko na kaya ko ‘to. Kasi kapag nag-oxygen ka na feeling ko, susunod na dun ‘yung tubo, so sabi ko ay kaya ko ‘to,” pahayag ni Donita Nose.

Malaking bagay din daw ang tulong ng mga kaibigan, mga mensahe at dasal na ipinadala sa kanya, kaya talagang nagpursige siyang gumaling.

Ang mga kagrupo raw niyang nasa Beks Battalion na sina MC at Lassy ang talagang aligaga sa pag-asikaso na dapat ma-confine siya at nagtulung-tulong na makaipon ng ibabayad sa hospital, pati ang pagkain daw niya araw-araw.

Pagkatapos niyang gumaling ay hinarap na ngayon ni Donita ang diskriminasyon mula sa ibang tao, kagaya ng iba ring COVID survivors. Mula nang sinundo raw siya ng ambulansya para dalhin sa hospital, naglabasan daw ang mga kapitbahay niya sa tinitirhan niya sa Makati na parang may shooting lang. “Hindi mo talaga maiwasan na ma-discriminate, pag COVID patient ka. May iba talagang mga tao na hindi malawak ang pang-unawa sa sakit na to.

“Ang sakit na ‘to, hindi siya nakakadiri. Talagang eto…pandemya to eh. Lahat puwedeng tamaan. Artista ka, pulitiko, lahat mayaman, mahirap, talagang tatamaan, Mahirap talaga,” pakli ng komed­yante.

“Dumating na ako sa bahay, magaling na ako. May ibang kapitbahay na nagtatanong, ay nandiyan na ba siya? Siyempre lumabas na ako, kaya nga ako lumabas kasi magaling na ako ‘di ba?

“Diyos ko Lord! Lahat ng tao puwedeng gumaling. ‘Pag gumaling ka, ibig sabihin wala ka ng sakit. Kaya pinalabas na ako, kasi tingin ng doktor, okay na ako,” saad ni Donita.

Kaya ang gusto niyang iparating sa mga kapitbahay niyang tila nadidiri sa kanya; “Ulitin ko po sa inyong lahat. Pinalabas po ako ng doktor, pinagaling po nila ako. Nakumpleto ko po ang dapat i-quarantine. Sobra-sobra pa. Wala na po akong ubo, walang sipon, walang lagnat, hindi nagtatae, hindi masakit ang ulo ko, hindi nawala ang pang-amoy ko ngayon, kumpleto po ako umuwi ngayon. So, ibig sabihin po magaling na po ako. So, please lamang po, huwag n’yo po ako pandirihan, at hindi na po ako delikado. Okay?,” pahayag nito.

Umabot pala ng mahigit kalahating milyong piso ang bill ni Donita sa hospital, na kung wala ang tulong nina Raffy Tulfo, Speaker Alan Peter Caye­tano, Willie Revillame, Teri Onor, ilan pang pulitiko, fans at kaibigan niya sa ibang bansa, hindi niya raw ito naitawid.

Kaya isa raw sa natutunan niya sa pinagdaanan niyang ito ay dapat talagang mag-ipon.

“Ako naman po kasi, hindi ko alam na darating itong pandemya, naglabas ako ng pera ko sa binili kong bahay. Natigil naman ang construction dahil sa quarantine. Kaya natengga ang pera ko dun. Pero dapat talaga mag-ipon tayo, kasi ‘pag dumating ang ganito sa kalusugan n’yo, dapat meron kayong pag­huhugutan,” payo niya pa.

Kinausap na raw ni Kuya Willie si Donita kung gusto na niyang bumalik sa trabaho hindi lang daw niya alam kung kailan siya pababalikin sa Tutok To Win ng Wowowin.

DONITA NOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with