^

PSN Showbiz

Kitkat, limang buwang hindi nakalanghap ng hangin sa labas ng bahay

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kitkat, limang buwang hindi nakalanghap ng hangin sa labas ng bahay
Kitkat

After five months and seven days, lumabas na rin ng bahay ang komedyanang si Kitkat. Strict ang ginawa niyang pagsunod na huwag lalabas ng bahay para makaiwas sa coronavirus.

In fact, kung before lockdown daw ay morena siya, sa tagal niya sa loob ng bahay naging see-through na ang kulay niya.

“Sobrang praning po ako. Kasi may PTSD (post traumatic stress disorder) ako, naggagamot po ako, diagnosed po ako may 11 yrs na eh, so nakaka-praning. Takot na takot ako at kung anu-ano ang naiisip ko na baka sa hangin ang virus so kahit bintana ‘di ako nagbubukas at kahit lumabas sa garahe hindi po.

“Pag andito nga kuya ko sa bahay, hanggang garahe lang siya. Sa CCTV ko na lang siya kinakausap, nag-a-alcohol at mask pa, hahahaha,” chika niya kahapon nang maka-chat ko.

Pero hindi naman daw siya totally zero income kahit nasa bahay lang noon. “Though I get to perform sa mga livestream ko tulad ng KUMU app, nagco-concert po ako dun. Nag-FB live din po ako sa mga endorsement ko pag need nila. Kumikita din po minsan sa mga post sa mga IG at FB ng mga product,” dagdag niya pa. Kasama sa mga ini-endorse ni Kitkat ang Beau-tederm.

Isa pang kinaka-depress niya bukod sa baka mahawa ng virus ay ang pagsasara ng mga business nila. “Nagsara pati business ng magulang ko. So lahat talaga kami napilayan.”

Ngayon ay plantsado na na ang bagong show niya with Anjo Yllana. “Kailangan na pong mag-work talaga. Nakakadagdag sa stress and depression ang walang ginagawa at pag magbabayad ng bills etc. at bahay. Nade-depress ako lalo na puro labas, paubos na ang ipon at walang pumapasok,” pag-amin niya pa.

Super happy, excited at kinakabahan daw siya sa new normal environment sa trabaho. “Kasi biro mo main host po kami ni Kuya Anjo Yllana. Sariling show at ako ang kakanta ng theme song. Sobra. I feel blessed po talaga na eto kinatok sa akin ni God na para sa akin to, bigay niya sa akin kaya po-protektahan niya ako. Pero praning pa rin, ingat pa rin kung baga do your best and God will do the rest.

“Today na po shoot at start na ng dry run very soon and after MECQ then push salang na.. target Sept. latest Oct. ang airing,” dagdag niya sa sisimulang show.

Ang bilis daw ng pangyayari sa bagong show niya na wala pang siguradong title. “Napatalon ako. Hindi ako makapaniwala.”

Hanggang nagpa-rapid test na sila at ayun na nag-story conference, kasama ang creative team at sumunod na ang contract signing.

At dahil halos nga raw nasaid ang ipon nila ng husband niya dahil na rin sa pinatayo nilang bahay, gusto muna nilang mag-ipon uli bago maka-baby. Plus namatay din pala ang lola niya kamakailan kaya malaki rin ang ginastos nila.

“Ipon po ulit naubos din kasi ipon namin sa pagpatayo bahay at pagkamatay ni nanay (lola) ko and ‘yan nagka-pandemic. Sakto bago nag-pandemic nag-resign asawa ko para mabantayan ako sa depression ko kaya pare-pareho kaming walang kinikita.

“So yung baby, next time na muna mag-iipon pa ulit para ‘di naman nganga ang baby paglabas sa mundo, hahahah.”

Anyway, mapapanood ang noontime show nila sa Net25 ng Eagle Broadcasting Corporation.

KITKAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with