^

PSN Showbiz

Male personality ipinangsugal ang inutang na milyones sa tv host

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tulong sa kabataan ang idinahilan

Sayang na sayang ang karerang matagal na panahong inalagaan ng isang popular na male personality. Bagets pa lang siya nang magsimulang artista, hanggang sa lumaki nang lumaki ang kanyang pangalan, nagkaroon siya ng mga proyektong maipagmamalaki niya.

Pero habang nagkakaedad ang male personality ay napansin ng mga taong malapit sa kanya na saka pa siya nagpabaya. Sayang ang kanyang pinasimulan na mukhang mauuwi lang sa wala.

Kuwento ng aming source, “Hinaluan kasi niya ng bisyo ang career niya. Hindi siya nagda-drugs, pero parang ganu’n din ang suma, dahil tumutok siya sa pagsusugal.

“Palagi siyang laman ng casino, malakihan siyang tumaya, kaya nu’ng magtagal, e, palagi na siyang nangangailangan ng datung!

“Lahat ng kinikita niya sa pag-aartista, hanggang ang suweldo niya sa pinasok niyang ibang mundo, e, nauubos lang sa kasusugal niya!” umpisang kuwento ng aming source.

Maganda na sana ang buhay ng male personality kung hindi siya nagsugal. Maraming oportunidad na nagbukas para sa kanya sa mundong pinasok niya, ang dami-dami niyang proyekto, pero nauuwi lang ‘yun sa bisyo niya.

Patuloy ng aming source, “Very visible siya dati, mapasama ka ba naman sa isang sikat na show na ilampung taon nang umeere, e, para ka nang nakasandal sa pader, ‘di ba?

“Panalo ka na sa kinikita mo, e, mas panalo ka pa sa exposure dahil napakalakas ng show na ‘yun! Pero nagpabaya siya, inuna niya pa ang bisyong umuubos sa mga pinaghihirapan niya.

“Nu’ng minsan nga, e, lumapit siya sa isang sikat na TV host, milyon ang inutang niya, may pupuhunanan daw kasi siyang project na malaki ang maitutulong sa mga kabataang walang pambayad ng tuition fee sa kahirapan.

“Pinautang naman siya nu’ng sikat na TV host, pero mula nu’ng makuha na niya ang milyon, ni hindi na niya maalalang tawagan man lang at kumustahin ang inutangan niya.

“Hanggang sa nalaman nu’ng TV host na wala naman palang project na kinauwian ang milyong inutang sa kanya, ipinangsugal lang ng male personality, buking na buking siya!

“Hay, sayang na sayang ang career niya, ang tagal-tagal niyang pinaghirapan ‘yun, tapos, ganito lang pala ang kauuwian!

“Ang mga kaibigan nga niya, kahit nagkakaedad na, e, masisipag pa rin, pero siya, puro sugal ang nasa utak niya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Nakalimutan si Willie, Raffy tulfo, binigyan ng kalahating milyon si Donita nose

Ligtas na sa COVID-19 ang stand-up comedian na si Donita Nose. Pero may malaki pa rin siyang problema, malaki pa ang balanse niya sa ospital kung saan siya namalagi nang dalawang linggo, may balanse pa raw siyang P350 thousand.

Inabot nang P600 thousand ang kanyang bill. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan at mula sa pagbebenta ng iba niyang mga kagamitan ay nakapagbawas na siya sa kanyang hospital bill.

Humingi siya ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo, ang matapang na news anchor na walang pintuan ang puso, hindi na ito kailangan pang katukin para lang tumulong sa mga nangangailangan.

Binigyan siya ng kalahating milyon ni Kuya Raffy, ang two hundred thousand ay mula sa sariling bulsa ng news anchor, ang dalawandaang libo ay manggagaling sa kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn Tulfo at ang isandaang libong piso naman ay ibibigay ng kanilang anak.

Naresolbahan ang matinding problema ni Donita Nose, sobra pa sa kanyang kailangan ang ibinigay na ayuda ni Kuya Raffy, pero may napansin ang mga tagapanood nang pasalamatan na ng stand-up comedian ang mga nakatulong sa matindi niyang pinagdaanan.

Hindi niya nabanggit ang pangalan ni Willie Revillame, samantalang sa programa ng aktor-TV host siya nagsimula, co-host din siya ni Willie sa Tutok To Win bago siya nagkaroon ng coronavirus.

Hindi ‘yun nagustuhan ng mga tagasuporta ni Willie, ito pa raw ba ang magpapabaya sa kanya, pero bakit hindi man lang niya pinasalamatan?

Gusto na lang naming isipin na nakalimutan niyang pasalamatan ang kanyang Kuya Wil, kahit pa siguradong maraming hindi sasang-ayon sa aming opinyon, nangyayari naman kasi ang pagkalimot sa mahahalagang taong nakatutulong sa atin paminsan-minsan.

Pero sigurado kaming hindi pinabayaan ni Willie si Donita Nose. Bukod sa kanyang personal na ayuda ay tumulong din ang kanyang produksiyon sa stand-up comedian.

Baka naapektuhan lang ng mga gamot na itinurok sa kanya si Donita Nose kaya ang isa sa pinakamahalagang taong dapat niyang pasalamatan ay nawala sa kanyang isip at listahan.

Hindi naman naghihintay ng pasasalamat si Willie Revillame, anumang ginawa ng kanyang kanang kamay ay hindi na nito ipinaaalam pa sa kaliwa, dahil mula ‘yun sa puso.

BAGETS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with