^

PSN Showbiz

Ruel Bayani nanawagan sa local creators na sumali sa asian academy creative awards

Pilipino Star Ngayon

Patuloy na tatangkilikin sa ibang bansa kahit sa panahon ng krisis ang Filipino artists na magwawagi sa Asian Academy Creative Awards (AAA), ayon kay ABS-CBN head of Scripted and Narrative Programs na si Ruel Bayani.

“Despite the challenges that the creative industry faces, content from our country will continue to be promoted and showcased in the global arena through the awards,” sinabi ni Bayani, ang Asian Academy Creative Awards ambassador para sa Pilipinas.

Nagpapaalala ang AAA sa mga manonood sa buong mundo na tuloy pa rin ang paglikha ng Pilipino sa kabila ng krisis, iginiit pa ni Bayani.

Hinikayat niya ang local creators na sumali sa dara­ting na Asian Academy Creative Awards dahil inextend and deadline ng submission of entries sa August 15 nang walang late fees.

Kinikilala ng AAA ang ga­ling sa paglikha sa television, digital, streaming, at bagong teknolohiya.

Batid naman ng AAA Chairman of Awards sa 2020 at WarnerMedia exe­cutive na si Ricky Ow na malaking balakid sa industriya ang pandemya kung kaya’t minabuti nilang mag-extend ng deadline.

Ilan sa mga nagwagi sa AAA na mula sa Pilipinas ay ang Maalaala Mo Kaya  ng ABS-CBN (MMK), ang longest-running drama anthology sa Asya, na kinilala bilang Best Single Drama/Telemovie noong 2018 at ang dating ANC Market Edge anchor na si Cathy Yang, na kinilala naman bilang Best News or Current Affairs Presenter/Anchor noong 2019.

RUEL BAYANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with