Libro ni Gina Lopez isasabay ang launching sa kanyang death anniversary
MANILA, Philippines — Ginugunita ngayong buwan ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Environment Secretary at ABS-CBN Foundation chairperson Gina Lopez. Yes, naka-isang taon na agad siyang pumanaw.
Kaya naman ang kanyang alaala ang mapapanood sa mga cable TV program at digital platforms ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Foundation sa buong buwan ng Agosto.
Kasama rin sa first death anniversary niya ang paglulunsad ng libro na pinamagatang, “I Am Gina,” na isinulat ni Jenie Chan.
Ang libro umano ay naglalaman ng mga kamangha-manghang kuwento ng naging buhay ni Lopez bilang misyonaryo sa Africa at India. Nakapaloob din daw dito ang mga kagila-gilalas na pagsubok at kahanga-hangang tagumpay na kanyang natamasa sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyektong kanyang nasimulan.
Kilala bilang isang environmentalist at pilantropo si Ms. Lopez. Siya ang naglunsad ng mga proyektong tulad ng Educational Television (ETV), Bantay Bata 163, La Mesa Watershed Reforestation at ang paglilinis ng Ilog Pasig.
“Ang nakapaloob na mensahe ng buhay at mga naisakatuparang proyekto ni Gina Lopez ay pagmamahal – pagmamahal sa kabataan, sa kalikasan, sa bansa, at sa ating mga kababayan. ‘Yan ang dahilan kung bakit ang tema ng isang buwang paggunita na ito ay Genuine Love Forever,” pahayag ni Susan Afan, managing director ng ABS-CBN Foundation.
Sa gitna ng kahirapang nararanasan ng karamihan ngayong panahon ng pandemya, hangad nila na ang mga aral na ibinahagi ni Lopez ay patuloy na makapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino.
Laging sinasabi ni Ms. Gina noong nabubuhay pa na “huwag mawawalan ng pag-asa at patuloy na manalangin sa Panginoon” na saktong-sakto sa pinagdaraanan ng lahat sa kasalukuyan.
Magkakaroon din daw ng tribute ang programang ASAP Natin ‘To para kay Ms. Gina sa darating na Agosto 30. Mapapanood ito sa iWant, YouTube at Facebook pages ng ABS-CBN.
Abangan din ang G Diaries sa iWant sa darating na Agosto 16, 23, at 30. Ipalalabas naman dito ang mga alaala niya sa likod ng kamera noong siya ang host ng programa mula 2017 hanggang 2019.
“Sobra ang kanyang pagmamahal sa kalikasan. Sobra. Pero ang rason kung bakit mahal niya ang kalikasan ay dahil sa halaga at silbi nito para sa atin at para sa ating bansa. Mahal niya ang mga tao at mahal niya ang kalikasan dahil sa mga posibleng magawa nito para sa mga taong naninirahan dito,” pagbabahagi naman ni Mr. Ernie Lopez, nakababatang kapatid ni Gina na siyang host na ngayon ng G Diaries.
Mapapanood naman ang The Healing Eucharist sa iWant.ph, isang live na misa alay kay Lopez sa ika-19 ng Agosto, ang eksaktong araw ng anibersaryo ng kanyang pagpanaw.
Bilis lang talaga ng panahon. Nakaisang taon na pala siya.
Dating contestant ng reality show, tambay na lang sa Morato
Tambay sa Tomas Morato area ang isang dating contestant ng reality show.
Nakabantay siya sa isang fine dining restaurant. At pag may nakita siyang naka-park na kotse sa harap ng nasabing restaurant na close pa for dine-in at pick-up / delivery orders lang ang ini-entertain, kinukunan niya ng photo saka ina-upload sa kanyang social media accounts.
Nabikitima niya ang isang friend namin na naka-park sa harap ng restaurant. Ang chika : naka-park daw siya ng maayos at nasa vicinity naman ng nasabing restaurant, pero ang ginawa ng tambay na dating contestant ng reality show, ini-upload niya sa kanyang social media pages.
Buti na lang daw at konti lang ang followers nito kaya walang nakapansin.
Parang wala na nga raw ginagawa ang nasabing tambay na nagkaroon ng exposure sa TV nang nag-join nga sa isang reality show.
It’s ok… nag-iwan ng saya at lungkot
Definitely one of the best Korean dramas ang It’s Ok Not to be Ok starring Kim Soo-hyun, Soo-hyun and Oh Jung-se na nag-last episode na Sunday night.
As in ang dami mong matutunan about healing, loving, caring, forgiveness, etc.
Ang husay nang nagsulat ng kuwento at nailahad nila ang isa sa pinaka-sensitive na subject, mental health.
Iba-iba ang mararamdaman mo while watching it. Grabe.
Kaya naman may separation anxiety na nararamdaman ngayon ang mga nag-abang sa bawat episode nito.
Iba talagang gumawa ng kuwento ang mga Koreano, walang sampalan o suntukan, pero dalang-dala ka naman.
- Latest