Mga artista, palaban na sa pulitika
Bongga ngayon ang mga artista. Very active sila sa lahat ng issues, vigilant sila sa mga nangyayari sa paligid, meron silang involvement sa mga bagay kahit na hindi pang showbiz.
Kahit pa nga sabihin kung minsan na very politicized sila sa opinyon, basta nai-express nila nang mahusay ang saloobin nila, ok lang.
At least now, naipapakita nila na hindi lang sila beauty, meron ding brain.
Kaya lang dapat talaga bago sila sumali, pag-aralan nilang mabuti ang sasabihin, maging maingat sa bitaw ng salita, at panindigan nila talaga ang pinaglalaban nila.
Huwag ‘yung all barks, no bite, at huwag din ‘yung all mouth, no brain. ‘Yung sasabihin mo, kailangan clear din ang paliwanag mo.
Puwedeng nasa issue ka lang dahil sa ito ang gusto ng puso mo kahit alam mo na sablay dahil medyo mali, ok lang, basta nagdeklara ka kung saan ang lugar mo. Better kaysa nasa gitna dahil for sure masasagasaan ka.
Either sa tama ka o mali, basta ang pinili mo, panindigan mo.
Type ko ang mga artista ngayon, fighter, expressive at nagsasalita. Go go, ok iyan.
Kris, nag-iisang reyna ng talk show
Happy naman ako na nag-pictorial na si Kris Aquino para sa show niya sa TV5. Medyo naudlot lang sa projected na araw ng launching, pero heto, may assurance na malapit na talagang mapanood.
Dahil nga siguro sa new normal, halos lahat ng naririnig ko parang talk shows ang balak gawin. Meron sina Pauleen Luna, Pokwang at Ria Atayde, meron pang sinasabi na pagsasamahin ang Sotto ladies na sina Danica Sotto-Pingris, Kristine Hermosa-Sotto at baka kasama muli si Pauleen.
Gusto din ni Jinggoy Estrada ng talk show.
Siguro dahil less ang tao na involved pag talk show, kaya ito ang madaling maisip na show.
Pero tanggapin natin na pagdating sa ganitong format walang tatalo kay Kris Aquino dahil likas na talker, at talagang inquisitive kaya bagay na bagay ang talk show sa kanya.
Marami ang natutuwa dahil heto nga at sasabak uli sa TV si Kris, at bagong bahay sa kanya ang TV5, kaya bago ang lahat at baka ibang Kris Aquino na naman ang mapanood natin.
Welcome back, Kris. Fighting!!
TIPMMG parang laging Christmas
Alam mo ba, Salve, na every week parang exchange gifts tayo sa Take It… Per Minute Me Ganun.
Every week may pasalubong sa atin si Cristy Fermin, si Mr. Fu natututo na ring magdala ng gifts, may mga padala sa atin mula sa followers natin sa show, merong bigla na lang darating ang bangus ni Jude Estrada. Parang feeling bata pero aminado ako na talagang happy ako sa small things na iyon.
Ewan ko ba, excited ako sa baking prowess nina Aries, Bea at Chammy.
That joy na dala ng Tuesday gifts na ibinibigay sa atin, enough na para malimutan ko ‘yung danger na hinaharap natin tuwing lalabas tayo ng bahay para gawin ‘yung program.
Naku, para akong bata na hinihintay ang Christmas gifts tuwing Pasko, iyon ang feeling ko tuwing Tuesday, at honestly ha, sad ako pag walang dumarating talaga.
‘Yung mga padala puwede naman nating bilhin noh, pero ‘yung happiness na merong nag-e-effort na magpahatid sa atin, naku priceless iyon.
So grateful. So thankful. We love you.
- Latest