^

PSN Showbiz

Maja at dyowa, live-in na rin?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maja at dyowa, live-in na rin?!
Maja at Rambo

Parang common knowledge na naman na-magkasama na sa bahay sina Maja Salvador at boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

Nauna na silang na-lockdown sa Palawan at ngayon nga ay magkasama pa rin naman sila base sa mga post ni Maja.

Kahapon nga sa IG story ng Kapamilya star ay nabanggit niyang magkasama silang nag-quarantine habang naghihintay ng swab test ang boyfriend na nag-positive ang kasama sa bahay.

Wala raw kasing idea ang businessman na  dyowa niya na may nag-positive silang kasama sa bahay eh kumuha raw ito ng gamit. “Ilang days kami naka-quarantine sa house while waiting sa result ng swab test niya @rambonunez and now na lumabas na at NEGATIVE! THANK YOU LORD GOD!” ang update ni Maja.

Nauna na rin namang na-mention ni Maja na napag-uusapan na nila ang kasal so wala na nga sigurong issue kung live in na sila.

Sharon may bagong apple of the eye

Si Hyun Bin ang kasalukuyang apple of the eye ni Sharon Cuneta.

As in sunud-sunod ang post niya ng photos ng Korean actor na kinabaliwan ng maraming Pinoy sa Korean drama na Crash Landing On You.

At least, good vibes ang laman ng IG page lately ni Ate Shawie at hindi sagot sa mga nambubuwisit na bashers.

Actually, true naman mas nakaka-happy na manood ng K-dramas kesa makipagtalakan sa mga walang magawa sa buhay na nasa social media.

Damay-damay na

Cable TV at channels, nanganganib na rin?

Awww, mahigit 1,000 cable TV operators sa buong bansa pala ang maaaring magsara kung babawiin ng gobyerno ang batas na pinapayagan silang magpatuloy ng operasyon kahit walang prangkisa. Kung mangyari iyon, mawawalan ng cable TV ang milyong-milyong subbscribers.

Damay nga ang iba’t ibang local cable TV channels pag nagkataon na mawawalan ng viewers gaya ng Pinoy Box Office, Cinema One, Myx, at The Tagalized Movie Channel, at K Movies Pinoy. Na ngayon pa lang ay may kilala akong nagpa-panic dahil mawawalan na raw siya ng mga favorite channels.

Damay-damay na rin siyempre ang mga artista at producers kung sakaling magkatotoo ito.

May lumabas kasing balita na nakikipag-usap ang National Telecommunications Commission kay Soliticor General Jose Calida tungkol sa nasabing batas.

Matatandaan sa nakaraang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN na pinagbantaan  ni Rep. Rodante Marcoleta si NTC commissioner Cordoba na kakasuhan siya kung ipipilit pa rin niya ang Executive Order 205 na inisyu ng dating Pangulong Cory Aquino.

Kwinestyon din ni Marcoleta kung bakit hindi pa nagsasara ang SKY Cable at tinanong ang NTC kung bakit wala pa itong aksyong laban sa kompanya matapos mapaso ang prangkisa nito noong Marso.

Sa isang TV interview, nagbabala si Philippine Cable Telecommunications Association (PCTA) president Joel Dabao na talo ang subscribers nila kung sakaling matuloy ang nasabing hakbang.

“Pag may mangyari sa SKYcable malamang mangyayari na rin sa aming lahat,” saad ni Dabao.

Ayon kay Dabao, imbes na prangkisa, permit kada lugar ang kanilang hinihingi sa National Telecommunications Commission.

Nitong weekend, naging usap-usapan at nag-viral sa social media ang mga clip ng isang Zoom meeting kabilang ang mga kongresistang kontra sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi ni Marcoleta na humihingi na si Cordoba ng payo mula kay Solicitor General Jose Calida tungkol sa nasabing hakbang laban sa SKYcable.

Matatandaang kinumpirma ni Cordoba sa House panel hearing ng ABS-CBN franchise na nag-ooperate ang cable TV operators dahil sa EO 205.

My gosh, paano kaya ‘yun?

RAMBO NUñEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with