‘Happiness overload’
Alam mo ba na one thing I’ve noticed sa Take It… Per Minute… Me Ganun, Salve, ay ang camaraderie na nating lahat. Napi-feel ko na totally ang acceptance natin sa bawat isa, open na open na at walang barrier kaya siguro parang hindi natin napapansin ang oras. Iyon bang parang sa once a week na pagkikita-kita natin, ‘yung bond of friendship and feeling of family, nabuo na.
Kaya naman kahit buwis-buhay, we try to be at Obra ni Nanay every Tuesday from 12 to 1 in the afternoon. Kaya freewheeling ang usapan kasi nga, nandoon na ang respeto sa space ng bawat isa, nandoon na ang unison in thoughts kahit pa nga medyo half hearted lang ang acceptance sa issues. Team player ang lahat kaya ang gaan gaan, tapos ang babait pa ng mga assistant na sila Japs Gersin, Tina Roa, Richie at PJ.
Ang kuwarto na iyon ng Obra ni Nanay ay para bang comfort zone na nating lahat.
Doon na nag-birthday si Mr. Fu, ngayon naman birthday ni Cristy Fermin, nakatikim na tayo ng isang Christmas sa Obra ni Nanay at siguro naman kahit pandemic, aabutan natin ang second Christmas natin doon.
Hay naku, sure ako, bibigyan ng egg pie ni Gorgy Rula si Cristy as birthday gift dahil lagi na siyang kasali sa mga ayuda nito na mga chicherya at adobo every Tuesday.
Actually dagdag budget si Gorgy na hindi ko alam ang official designation sa TIPMMG, kung PA ba siya ni Mr. Fu, assistant ni Salve, marketing director ng adobo ni Cristy, o handler ko, hah hah joke joke.
Basta happiness overload kami sa online show namin, promise.
Salamat sa visual artists na alaga ni Cristy…
Gusto kong pasalamatan uli sina Joe Florendo at Louie Tolentino na alagang visual artists sa Obra ni Nanay ni Cristy Fermin. Siguro dahil nga sa kasamahan tayo ni Cristy at laging binibigyan ng paintings, kaya kahit hindi pa natin sila name-meet parang kilala na rin natin sila.
Si Joe Florendo, parang nakita ko na dahil nagdala ng paintings kay Cristy at nang sabihin kong gusto ko ng Koi, binigyan niya ako ng koi painting.
Si Louie Tolentino hindi pa, pero ang tiyaga niya na ayusin ang Gucci bag na regalo ni Lorna Tolentino at nag-paint ng colorful flowers para matakpan ang damage area ng bag. Bongga dahil alam ko na sa walls mo mayroon ka ring paintings na bigay ni Cristy mula sa mga alaga niyang artists sa kanyang gallery.
Hay naku, their magical hands that make us see colorful things around, thank you, Joe Florendo, Louie Tolentino at Cristy Fermin, mayroon na kaming sample ng inyong wonderful work of art.
Sa Obra ni Nanay Gallery, nandoon po ang paintings nila, kahit may pandemic, ang arts gawin nating essential to our senses.
Navotas, mas naghigpit pa
Mukhang pagod na pagod na si Mayor Toby Tiangco ng Navotas.
Ang daming pasaway sa Navotas kaya nagkaroon ng mas strict na protocol, dahil nga ayaw ni Mayor Toby na lalo pang tumaas ang bilang ng mayroong COVID-19.
Talagang kitang-kita mo ang pagod at concern sa kanyang mukha dahil nga ayaw niya na mas dumami pa ang biktima ng sobrang dangerous na virus.
Talagang pag gusto mo ng maayos na bayan, dapat talaga magtrabaho nang husto ang mga mayor nila.
- Latest