KidZania isasara na rin
“Wrong and misleading.”
Ito ang reaction ng ABS-CBN sa kumalat na isyung sinimot ni Mr. Gabby Lopez III ang shares niya sa network bago pa man ito nagkaproblema sa franchise. Si Mr. Gabby ang Chairman Emeritus ng nakasaradong network sa kasalukuyan.
Speaking of ABS-CBN, tuluyan na rin palang isasara ang KidZania Manila na matatagpuan sa BGC effective August 31 ayon sa statement nila. “With the COVID-19 pandemic and ensuing community quarantine, we have complied and suspended operations to prevent the further spread of the virus, which resulted to a massive impact on our revenues. Even if we are allowed to operate in the future, the ‘new normal’ will prohibit mass gathering and require children to remain at home. These conditions have left us with no choice but to close the play city’s doors permanently.
“Our hearts go out to our employees. We are doing everything we can to aid them at this time of uncertainty,” nakasaad sa statement na ang franchisee ay subsidiary ng ABS-CBN.
Tiyak na susunod na rin dito ang ABS-CBN Studio na matatagpuan naman sa Trinoma Mall.
- Latest