Gloria, umaming maraming dirty old man na umaaligid sa beauty pageant
Kamakailan ay isinawalat ni Binibining Pilipinas-World 2008 Janina San Miguel ang umano’y kalakaran sa mga beauty contest.
Ayon sa dating beauty queen ay maraming mayayamang lalaki na ang karamihan ay may edad na ang nag-aalok ng indecent proposal sa mga kandidata. Hindi naman kinontra ni Gloria Diaz na nanalong Miss Universe noong 1969 ang naging pahayag ni Janine.
“Talagang maraming DOM (dirty old man) around. In fact I’d be surprised kung walang DOM or whatever. There’s always indecent proposals all over. Most of the beauty contestants almost expect it,” pagtatapat ni Gloria.
Sa halip na makaramdam ng takot ay itinuturing daw ng aktres na isa itong compliment kapag may umaali-aligid na mga DOM noon sa kanya.
“When they’re around, it’s okay. It doesn’t insult me. I don’t feel pressured. I just enjoy the attention and I go on with it. It’s not mind-boggling or anything. Hindi ka naman binabastos eh, at walang pilitan. They all want to be on top of the Universe,” nakangiting pahayag ng aktres.
Oliver, ayaw maging celebrity
Unang nakilala si Oliver Aquino bilang si Mycho Aquino sa grupong Anime na kinabibilangan din noon nina Mico Aytona, John Wayne Sace, Sergio Garcia at ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz. Kadalasang sumasayaw noon ang grupo sa ASAP na talaga naman laging tinitilian ng mga tagahanga.
Nang mabuwag ang naturang boy group ay nagpasya ang binatang maging seryoso na lamang sa pag-arte.
“Masaya naman ako. Gusto ko kasing maging aktor eh. ayokong maging celebrity, magkaiba kasi ‘yon di ba? ’Pag celebrity ka, gwapo ka. ‘Ay! Si ano oh, pa-picture.’ ‘Pag aktor ka kasi astig ka, mayabang ka eh. Iba ‘yung statement ng magaling ka sa ginagawa mo kesa gwapo ka sa mata ng tao. At saka mas gusto ko ‘yung ngayon. Parang mas malaya ka eh” paliwanag ni Oliver.
Hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin sa pagitan ng aktor at ng mga dating kasamahan sa Anime.
“Nakakausap ko pa sila, sina Rayver, Rodjun, Sergio, Mico, Emman, John Wayne, lahat po. Nagkaroon pa nga kami ng parang reunion noon pero hindi ako nakapunta. Parang may work yata ako no’n or something. Pero kahit hiwa-hiwalay na kami, okay pa rin kami. Masaya pa rin ‘pag nagkakausap. Tumanda lang kami pero ‘yung pakiramdam parang bata pa rin,” pagbabahagi ng binata.
Maituturing ni Oliver na naging pangalawang tahanan na rin niya ang ABS-CBN kaya talagang ikinalungkot nito ang pagsasara ng Kapamilya network kamakailan. “Sobrang thankful ako sa ABS-CBN at siyempre umaasa ako na muli silang makabalik,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)
- Latest