'Kumakayod pa nga eh': Kim Atienza sinagot ang japeks na balitang madededbol na
MANILA, Philippines — Matapos mag-trend dahil sa pagbatikos sa non-renewal ng ABS-CBN franchise, muling naging laman ng balita ang tanyag na "Matanglawin" at "It's Showtime" host — sa pagkakataong ito, dahil sa kumakalat na balitang agaw-buhay na siya.
Huwebes nang magpost si Kuya Kim ng sari-saring screenshots ng mga ugong-ugong na nabaril siya, bagay na walang katotohanan.
"I have to address this fake news item now. I am very much alive and still working. Kahit walang franchise [ang ABS-CBN. TV Patrol] is still on air," sabi niya sa Facebook, ika-16 ng Hulyo.
"I tried to pass this off and be quiet but my friends and family are worried."
Thank you for all who called to check on me. I tried to pass this off and be quiet but my friends and family are...
Posted by Kuya Kim Atienza on Thursday, July 16, 2020
Ayon sa mga pekeng blogsite gaya ng GMA Today Updates News (na walang kinalaman sa totoong GMA-7), sinasabing nabaril diumano si Atienza ng mga magnanakaw sa kanilang bahay, bagay na nakita pa raw ng CCTV cameras.
Sabi pa ng Kapamilya host, gusto sana niyang palipasin na lang ang isyu ngunit nag-aalala na raw ang kanyang mga kaibigan at kapamilya.
Bagama't dalawang beses nang kamuntikang mamatay dahil sa stroke noong 2010 at Guillain-Barré syndrome (GBS) noong 2013, nananatiling maayos ang lagay ni Atienza sa ngayon.
Basahin: Kim Atienza continues fight against rare disease
Ang GBS ay isang rare autoimmune disorder, na nangyayari kapag inaatake ng immune system ang mga healthy nerve cells sa peripheral nervous system.
Magaling na siya sa GBS at patuloy na nag-a-advocate para sa iba pang dumanas ng pinagdaanan niya noon.
Kilala para sa kanyang malawak na kaalaman sa agham at kalikasan, nagsisilbi rin si Atienza bilang weather reporter para sa ABS-CBN news show na TV Patrol, na patuloy mapapanuod online gabi-gabi.
- Latest