^

PSN Showbiz

Isabel at Vivian matatanda na para mag-away sa social media

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Isabel at Vivian matatanda na para mag-away sa social media
Isabel

Hindi ko alam kung bakit nagpapalitan ng salita sila Isabel Rivas at Vivian Velez.

Sa personal ko lang na opinion, hindi na dapat ito nangyayari lalo pa nga at senior stars na sila na dapat mas mahaba ang pasensiya at malawak ang pananaw sa mga pangyayari.

Dapat nga ipakita nila na sa panahong ito, ang mga tulad nilang artista ay mas malawak ang wisdom sa mga nagaganap sa paligid. At kung anuman ang back story ng tampuhan nila ‘wag na nilang isali sa mga kaganapan ngayon.

Dapat nga perfect sample sila ng respectable senior stars na dapat tularan ng mga batang artista.

Petty naman iyon mga issue na pinag-aawayan nila, dala lang ng lumang isyu na nalagpasan na nila kaya dapat limot na.

Move on na Isabel at Vivian, huwag n’yong hayaang gawin kayong sentro ng intriga ng mga miron. Wake up.

Agot parang aktibistang nakabantay sa mga kapwa artista

Isa pang kaloka ay ang issue ng bisekleta nila Sen. Manny Pacquiao / Jinkee at Agot Isidro.

Bongga na regalo lang pala ang mga bisekletang Hermes at LV ng mag-asawang Pacquiao na ikinagalit ni Agot kay Jinkee.

At sa mga mata ng followers ay talagang hinangaan nila ang pagiging ladylike ni Jinkee na hindi sumagot at sa halip bible verses ang ‘answer’ niya.

Si Agot naman kasi, lahat ng issue pinapatulan at para bang isang aktibista na nakabantay sa mga kapwa artista niya na hindi niya katulad ang paniniwala.

Sobra na rin politicized ang mga opinyon kung minsan ni Agot na dapat siguro medyo magdahan-dahan din at alamin muna ang issue.

Regalo lang naman, gustong magpasalamat ni Jinkee, so post niya sa IG, so no problem sana, eh pinatulan ni Agot, hayan na.

vuukle comment

ISABEL RIVAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with