^

PSN Showbiz

Angel inireklamo ng online seller ng alcohol

ISYU AT BANAT! - Ed De Delon - Pilipino Star Ngayon

Iisipin ba ninyong may magrereklamo laban kay Angel Locsin dahil sa pag-order ng 1,300 na gallon ng alcohol tapos hindi kinuha? Pero nangyari iyan, may nagharap ng reklamo laban kay Angel dahil diumano nag-order siya online ng 1,300 na gallon ng alcohol, tapos hindi niya kinuha. Iyong order based lang sa chat online.

Ang malabo roon, bakit naman sila nagtiwala eh hindi naman nila nakakausap si Angel. Hindi rin naman sila sigurado na si Angel nga ang kanilang ka-chat. Nagkulang din naman sila sa kanilang verification ng order sa kanila.

Iyan ang problema niyang online business, at saka kung ganoon kalaki na ang transaction, papayag ka bang COD lang?

Ang sabi pa nga ni Angel, bakit naman siya bibili ng alcohol online eh endorser siya ng isang pharmaceutical company kung saan nakakabili siya nang mas murang alcohol, at kung minsan idino-donate na lang sa kanya.

Isa pa, wala siyang ganoong proyekto. Ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay mass testing sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross.

Sana magsilbing warning iyan sa mga online seller.

Dapat ay titiyakin ninyo kung sino ang ka-deal ninyo. Talagang maraming sira ang tuktok na nanloloko. Kung iyon ngang nagde-deliver ng pagkain, may oorder tapos hindi kukunin o maling address pala ang ibinibigay, kaya ang kaunting puhunan noong rider natotodas pa.

Eh iyan pa bang ganyan kalaking halaga, 1,300 gallons ng alcohol, hindi mo muna sisiguruhin kung sino ang kausap mo?

Sa kaso naman ni Angel, alam niyang naloko ang mga tao at siguro kung kinausap siya, baka binayaran na lang niya at kinuha ang alcohol.

Pero nainis din si Angel dahil inireklamo agad siya, samantalang wala naman silang ebidensiya na siya nga ang kausap maliban sa isang internet chat.

Hindi nila nakikita ang kausap nila. Ni hindi nila naririnig. Bakit naman sila nagtiwala?

Piolo binabakbakan ng mga katrabaho

Ito lang ang masasabi namin, in all fairness kay Piolo Pascual na inuulan ng mga basher ngayon may nagagalit dahil bakit daw siya sumali doon sa proyekto para sa SONA ng presidente. Nakakagulat dahil ang mga galit na galit kay Piolo, iyan ang sumisigaw ng “freedom of speech”. Eh bakit nang may pumanig sa hindi nila gusto galit na galit sila. Ano iyon, sila lang ang may “freedom of speech” at si Piolo ay walang ganoong karapatan?

Isa pa, walang abusong ginawa si Piolo. Sumunod siya sa lahat ng protocols ng LGU. Hindi sila pinayagan ng isang LGU, umalis sila. Ipinailalim sila ng LGU ng Baguio sa COVID testing, nagpa-test naman siya. Eh ano ang ipinanggagalaiti nila?

COVID mas malaking problema kesa sa abs-cbn

Ang pinakamalaking issue pa rin ngayon ay ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Mukhang mali na natatakpan ang tunay na issue ng kaso ng franchise ng ABS-CBN. Iyong kaso ng ABS-CBN, problema nila iyon. Hindi ‘yan problema ng bayan. Ang problema ng bayan ay ang COVID-19. Hindi problema ng bayan ang 11,000 tauhan ng ABS-CBN na mawawalan na ng trabaho. Ang problema ng bayan ay iyon mahigit na pitong milyong manggagawa na wala nang trabaho ngayon pagkatapos ng lockdown.

Pag-aralan naman ninyong mabuti kung ano ang mas dapat nating pag-usapan kaysa diyan sa kung anu-anong inilalabas ng mga trolls sa social media.

ANGEL LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with