^

PSN Showbiz

Cristalle Belo at pamilya nag-migrate na Sa Australia

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cristalle Belo at pamilya nag-migrate na Sa Australia
Cristalle, Dr. Vicki at Scarlet

Sad si Dra. Vicki Belo Kho ngayon, Salve, kasi nga nag-migrate na sa Australia ang anak na si Cristalle kasama ang mga anak at asawang Australian na si Justin Pitt.

Very close sina Hunter Pitt at Scarlet Belo at kitang-kita ni Dra. Vicki ang lungkot kay Scarlet na umalis na ang playmate niya.

Sa bahay nina Hayden at Vicki madalas iwanan ni Cristalle ang mga anak pag mayroon silang pupuntahan ng kanyang asawa, kaya nga close na close si Dra. Vicki sa dalawang apo.

Actually ang babae na bunso nina Cristalle at Justin ay sinunod sa pangalan ni Dra. Vicki, Sienna Victoria. At very close rin sina Cristalle at Dra. Vicki, dahil hanggang sa lumaki ito talagang gusto niya sa room ng nanay niya matulog.

Well, siguro nga gusto rin ni Cristalle na maging malapit sa kanyang in-laws sa Australia, at sure ako na madalas ding magpupunta dito si Cristalle para dumalaw.

Good luck, Cristalle, sa new world mo ngayon, dahil kahit nasaan ka man, sure ako na text or call away lang ang mga mahal mo sa buhay.

Lalaki na sina Hunter at Sienna na may Australian accent, at ang tita Scarlet nila ang magtuturo sa kanila ng Tagalog.

‘Ituring mong palasyo ang bahay’

Ang ganda ng sermon ni Father Tito Caluag kahapon sa kanyang mass sa Metro Channel.

Tungkol iyon sa feeling of safety in your own home, ‘yung pag nasa loob ka ng bahay mo, ‘yung totoong ikaw ang lumalabas, walang maskara, walang pagpapanggap, dahil you feel very safe. Hindi ka kailangan magtago.

Your house, your home is your personal kingdom, doon ikaw ang hari o reyna, ikaw ang masusunod. Kaya dapat ang sarili mong bahay ang pinakaligtas na lugar para sa iyo. Iyon ang fortress mo, doon ka hindi puwedeng galawin ng iba.

No matter how small, kahit payak ang tinitirhan mong bahay, ituring mo itong isang palasyo, dahil iyon ang iyo.

Kung minsan nga nagtataka tayo kung bakit kahit nasaan man ang isang tao, anuman ang kalagayan niya sa buhay o naabot niya, hindi niya nalilimutan kung saan siya nanggaling at lumaki, dahil doon nahubog ang kanyang pagkatao at kung sino siya ngayon. Doon siya lumaki at nakita ang tunay na mundo, forever na nasa isipan niya iyon.

Gaya ko, hindi ko puwedeng  ma-forget ang Lardizabal sa Sampaloc, kung saan ako lumaki.

Kaya nga kami mga batang Moises Salvador Elementary School ni Joey de Leon, dahil doon kami nagkaisip at lumaki.

Kasuy at pili, parang buhay ang labanan

Ang sarap ng kasuy na pasalubong sa atin Salve ni Leo Espinosa na galing Batangas.

Naalala ko tuloy si Jessica Soho na laging gift sa akin ang roasted kasuy. Paborito ko ito kaya gustung-gusto kong kinakain, mas gusto ko siya kaysa mani o almond.

At ‘di ba ang daming puno ng kasuy sa Pilipinas kaya naman naglalaban sila ng pili sa popularity.

Ang brother-in-law ko na isang American addict ng pili nuts, iyon ang gusto niyang pasalubong tuwing may manggagaling sa ‘Pinas.

Kanya-kanya talaga ng taste, kaya naman, sa buhay, kanya-kanya ring kapalaran, hindi mo alam kung ano ang nakalaan sa iyo, parang nuts, iba-ibang variety, iba-ibang korte, at iba iba ang lasa, hah hah kalokah!

vuukle comment

DR. VICKI BELO-KHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with