Joseph gusto na ring maging direktor
MANILA, Philippines — Napapanood na ngayon sa HBO Asia, HBO Go at Viu ang award-winning series na The Bridge kung saan ay napabilang si Joseph Marco.
Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang ilang international actors katulad nina Hanafi Su, Fikry Ibrahim at Chew Kin Wah mula Malaysia, Ario Bayu, Lukman Sardi, Amanda Manopo at Miller Khan mula Indonesia at Adrian Pang mula Singapore. “They asked me kung paano mag-shoot dito sa Philippines. I just told them na mas marami kaming scenes na tini-take. My favorite scene from the show that I worked on would have to be the last scene of my character. It was full of emotions,” kwento ni Joseph.
Sa Kuala Lumpur, Malaysia pa kinunan ang mga eksena ng aktor. Ayon kay Joseph ay nagkaroon siya ng interes na maging isang direktor balang araw dahil sa mga naranasan sa naturang Asian series. “I got really inspired because of my experience in Malaysia. I was able to talk to the producer and to all the cast and to hear their love for filmmaking. It’s very contagious that’s why I told myself, ‘Since I’m already here, why not study it and hopefully one day I could create and direct my own film. I like dark siguro, nagsawa na ako sa mga love story,” giit niya.
Samantala, ngayong ipinatutupad pa rin ang community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa ay mayroong ilang bagay na pinagkakaabalahan si Joseph. “Actually I did a little bit of reading, researching and also did some editing from videos that I took. So basically for the past three months, I’ve been studying filmmaking,” pagbabahagi ng aktor.
Yves dalawang beses pinakawalan ang movie ni Direk Cathy
Nahasa ang acting skills ni Yves Flores dahil malaki ang naitulong ni Cathy Garcia-Molina sa aktor. Tinatanaw na malaking utang na loob ni Yves ang mga natutunan niya mula sa batikang direktor. “Kalalabas ko lang noon sa PBB (Pinoy Big Brother) tapos salang agad. Sobrang bano pa akong umarte noon. Wala pa talaga akong kaalam-alam. Lahat kasi ng mga hindi kailangan sa acting, ‘yung mga sobra-sobrang acting mo tinanggal niya talaga. Pinagtiyagaan ako no’n eh. Pinagtiyagaan niya talaga ako,” pahayag ni Yves.
Matatandaang naging housemate ang aktor para sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 bago pa tuluyang naging talent ng Star Magic. Nakasama si Yves sa mga teleseryeng Got To Believe at Forevermore na ginawa ni direk Cathy noon.
Nangangarap ang binata na muling makatrabaho ang blockbuster director kung mabibigyan ng pagkakataon. “Dalawang magkasunod ‘yon, isinama niya ako sa show. Kinukuha din niya ako para sa ibang show pero nakuha na ako ng ibang unit. Kinuha niya ako sa movie nina Daniel (Padilla), ‘yung last nila, kaso may conflict ako sa schedule. Tapos kinuha niya ako ulit sa movie nina Kathryn (Bernardo) at Alden (Richards) kaso may Block Z ako. Nag-sorry nga ako sa kanya kasi baka akala niya kinalimutan ko na siya,” paliwanag ng aktor.
(Reports from JCC)
- Latest