^

PSN Showbiz

Nagkuwento kung paano gumaling kapuso actor na si Jon Lucas nakaligtas sa COVID

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nagkuwento kung paano gumaling kapuso actor na si Jon Lucas nakaligtas sa COVID
Jon Lucas

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa COVID-19 ang former Hashtags member na si Jon Lucas. Kinuwento nga ng GMA 7 talent na napapanood sa local adaptation ng Descendants of the Sun bago ang lockdown, ang kanyang pinagdaan sa nakamamatay na virus. “3 days ako nag-stay sa NEGH. Kasi doon sa rapid test ko nag-positive ako.

“Opo alam naman natin po at ng karamihan na hindi siya accurate para ma-detect yung virus. Minsan daw kahit negative ka pwede ka mag-positive. Minsan naman daw positive ka pero negative ang lumalabas.

“Ang lumabas dun sa result ko “29 days onwards recovery” parang papagaling na ‘yung infection sa katawan ko. Meaning parang dumaan lang siya,”  umpisa ng post niya.

“Pero aaminin ko may mga times na inuubo-ubo ako at nilalagnat. Pero dahil nga marami rin tayong ganap kahit nasa bahay lang iniisip ko nalang na baka pagod lang ako.

“Tsaka syempre nawawala wala po agad dahil nga tayo ay may gabi-gabing pagpapanata sa Panginoong Diyos.”

Hanggang nagpa-test na raw siya sa New Era General Hospital (NEGH) at inadmit na siya.

“Habang naghihintay ng resulta, doon sa NEGH lahat ng nakakasalumuha ko lahat may COVID. kasi ‘di lang sila sa Rapid nag-positive, kundi pati sa swab test nakakailang test na sila laging positive ang lumalabas. Ibig sabihin po meron talaga silang mga karamdaman pong taglay.

“Ayun na nga so 3 days kami magkakasama doon, syempre bilang ako bago lang doon di ko alam anong klaseng sakit ba ‘to. Di ba pag nanonood ka sa social media talagang matatakot ka. Kasi nga ang dami na rin talagang pinatay ng sakit na ito.”

Miyembro ng Iglesia ni Cristo si Jon kaya naman sa NEGH siya nagpa-admit, ang ospital ng mga INC members. “Pero doon sa NEGH bago ka pa man din ma-admit, paulit-ulit nang ipapaunawa sa’ yo ng mga Ministro na nandon, ang paulit-ulit din na binanggit ng Diyos para sa mga lingkod niya na “Huwag kang matakot.” Kahit ‘yan lang daw baunin mo sa araw-araw hindi ka na raw mawawalan ng pag-asa.

“Opo totoo po na pinag-iingat tayo ng Pamamahala para makaiwas tayo sa ganitong karamdaman. Kasi nga hindi natin alam kung sino ang pwede nating mahawa. Baka mamaya mga lolo, lola, tatay, at nanay natin na mga may ibang sakit na talaga at may edad na. Sila ang mahihirapan ng lubos sa karamdamang ito.

“Sa atin naman pong mga kabataan at medyo may lakas pa. Ang hiling lang talaga sa atin ay mag-ingat, Sumunod, magpasakop at pangalagaan pa ang sarili.

“At ‘di ba naririnig nating lahat na sa NEGH ay sobrang daming gumagaling na COVID patient. Totoo po yon! Hindi po dahil sa magagaling ang mga Doctor doon at nurses. Kundi dahil pinanghahawakan talaga nila ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa bibliya.

“Halimbawa yung pagpapahid ng langis, utos ng Ama na kapag may karamdaman bago man dalhin sa hospital magpatawag muna ng matatanda sa Iglesia para mapahiran ng langis at maipanalangin sa Diyos. Everyday tuwing umaga, ginagawa yon don sa NEGH. Kahit hindi kapatid napapahiran at naipapanalangin. Kababayan man nating Katoliko, Muslim, Protestante andun lahat at lahat sila ay inaalagaang mabuti at sa awa ng Diyos ay marami sa kanila ang gumagaling sa karamdaman,” aniya.

Dagdag pa niya : “At hanap ako ng hanap kung anong ipapainom sa aking gamot doon. Aba ‘yung mga kasama ko doon 14 days 19 days nang andoon ang gamot lang pala eh MULTIVITAMINS na nabibili sa botika,” mahabang paglalahad ni Jon.

“Ayun tapusin ko na, sa awa at pagmamahal ng Diyos. Yung mga kasamahan nating 14 days 19 days ng andoon. Kasama ko sila kagabi na natanggap ang resulta na ako po ay “NEGATIVE” sila naman po ay “RECOVERED” na mula sa sakit na yan.”

Nakauwi na siya sa kanilang bahay at kapiling na ang pamilya.

Mag-asawang nurse sa New Zealand, sinubok ng pandemya

Sa ikalawang episode ng Juan Love: Pag-ibig sa Panahon ng Pandemya ngayong Sabado (June 27), mapapanood ang kuwento ng pagmamahalan ng mag-asawang sinubok ng COVID-19.

Parehong nurse sina Donna at Jay sa New Zealand, at nais nilang dito bumuo ng pamilya. Nabuntis si Donna, pero nakunan sya.

Nang muli siyang nabuntis, pumutok naman ang pandemya. Ang masa­yang pagbubuntis ni Donna, nahaluan ng takot at pangamba dahil si Jay ay isang nurse na nag-aalaga ng mga pasyenteng may COVID-19. Si Donna naman, dahil high risk sa pagkakaroon ng COVID-19, kinailangang manatili sa bahay at tumigil sa pagtatrabaho sa ospital.

Paano mapagtatagumpayan ng mag-asawa ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap?

Ang Juan Love: Pag-ibig sa Panahon ng Pandemya ang pinakabagong online show mula sa GMA News and Public Affairs.

JON LUCAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with